Heart work, work, work pa rin sa 2023: ‘Do it with a smile and the universe shall follow!’

Heart work, work, work pa rin sa 2023: 'Do it with a smile and the universe shall follow!'

Heart Evangelista at Chiz Escudero

KUNG noong mga nakaraang taon ay talagang planado ang kanyang buhay kapag sasapit ang New Year, ngayong 2023 ay mas magiging spontaneous daw si Heart Evangelista.

Looking forward ang Kapuso actress at fashion icon sa napakaraming opportunities na darating sa buhay niya at showbiz career sa susunod na taon.

Ayon sa controversial Kapuso star, ie-enjoy lang daw niya ang mga blessings na ipagkakaloob sa kanya at mas pagbubutihin pa ang trabaho na ipagkakatiwala sa kanya.

“You know, It’s just to really work hard, keep going, and follow your heart,” ang pahayag ni Heart sa panayam ng GMA Network.


“I usually have a plan with my life but now, all I know is, whatever is in front of me, you work hard for it and do it with a smile and the universe shall follow,” dagdag pang chika ni Heart.

Sey pa ng misis ni Sen. Chiz Escudero (hindi pa rin kinukumpirma ng celebrity couple), naghahanda na siya sa mas marami pang trips and projects abroad.

“I’ll be very busy this coming year, but I like being very productive so I’m very, very excited for all of my travels and all of the brands I’ll be working with next year,” saad pa ng aktres.

Nangako rin si Heart sa kanyang mga fans at social media followers na mas marami pa siyang gagawing contents sa kanyang YouTube channel para sa 2023.

“I’ll be traveling a lot, I’ll be experiencing new things in life so, I’ll definitely be taking them with me throughout that all so I’m very, very excited,” sey ni Heart.

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako

Coco inialay kay Susan Roces ang 7th anniversary ng ‘Probinsyano’: Maging masaya at malaya ka na po kasama ang ating Panginoon

Sue Ramirez hinding-hindi patitigilin sa pag-aartista ng dyowang mayor; puring-puri si Diego Loyzaga

Read more...