Miss Universe Organization ibinandera ang first-ever ‘sustainable’ sashes: We hope to make a greener future for all

Miss Universe Organization ibinandera ang first-ever ‘sustainable’ sashes: We hope to make a greener future for all

PHOTO: Instagram/@missuniverse

BUKOD  sa pagmamahal sa bansa, mukhang inilulunsad na rin sa Miss Universe pageant ang pagmamahal at pag-iingat sa kalikasan.

Proud na ibinandera ng Miss Universe Organization (MUO) sa pamamagitan ng social media ang kauna-unahang “sustainable” sashes na gagamitin ng mga kandidata sa ika-71st edition ng kompetisyon.

Sey ng organisasyon sa isang Instagram post, “We are excited to announce our partnership with @thesashcompany to create the first-ever sustainable sashes.⁠”

Kalakip niyan ang isang litrato na ipinapakita ang sample sash na gawa sa ni-recycle na tela at sinulid.

“The new sashes for the 71st #MISSUNIVERSE Competition will be made from 100% post-consumer recycled fabric and thread and with ethically produced rhinestones,” saad sa caption ng post.

Ayon pa sa MUO, nais nilang makatulong sa mundo na mabawasan ang kabuuang dami ng plastic waste.

Anila, “We hope our commitment to sustainability will reduce the overall amount of plastic and waste in the environment. 

“This is one small step of many we hope to make in the future as small actions by corporations and organizations will have the greatest impact on making a greener future for all.”

Maraming netizens naman ang napa-comment at natutuwa sa bagong initiative sa Miss Universe. 

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“I love thisssss so much (red heart emojis) thanks to @missuniverse for putting this meaningful piece together to help us remember that a sash is indeed a commitment and a responsibility even to our environment.”

“Great initiative, first steps to being a positive global ambassador”

“t’s amazing how MU adapts to modern-day problems, combats them with modern-day solutions”

Ang 71st Miss Universe pageant ay nakatakdang mangyari sa January 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana sa Amerika.

Ang pambato ng Pilipinas ay si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Related chika:

Steve Harvey papalitan na ng all-female hosts sa Miss Universe pageant

Read more...