QC naglabas ng traffic advisory para sa MMFF 2022 ‘Parade of Stars’ sa Dec. 21

QC naglabas ng traffic advisory para sa MMFF 2022 ‘Parade of Stars’ sa Dec. 21

MULING nagpaalala at naglabas na ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa mangyayaring “Parade of Stars” ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na December 21.

Sa pamamagitan ng Facebook post ay ibinandera ng QC LGU ang ilang litrato ng magiging daloy ng trapiko para sa gaganaping parada.

Nag-abiso din sila na iwasan ang mga kalsada ng pagdadausan nito at gumamit na lang ng ibang ruta.

Sey sa post, “Pinapayuhan ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa December 21, 2022 (Wednesday) 4:00 PM.

“RUTA: Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle”

Patuloy sa caption, “Isasara simula 3:00 PM, ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda. Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats.”

“Sa gabi ng December 20 (Tuesday), iwasan ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda na magiging staging area para sa float ng mga pelikula. Sasakupin nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction,” saad pa sa pahayag ng LGU.

Paalala pa ng QC government, “Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at dagsa ng mga manonood.

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.”

Noong nakaraang buwan lamang nang inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bagong ruta para sa inaabangang parada ng mga bituin.

Ibinandera ng MMDA sa social media na magsisimula ang ruta sa Welcome Rotonda hanggang sa Quezon Memorial Circle.

Sey sa Facebook post, “This year’s Parade of Stars, which signals the official start of the festival, will be hosted by the local government of Quezon City.

“The parade, featuring floats carrying celebrities of the film festival’s entries, will start from Welcome Rotonda-Quezon Avenue to Quezon Memorial Circle at 2pm of December 21.”

“The parade will run for seven kilometers, with an estimated travel time of two hours and 30 minutes,” saad pa sa FB post.

Tiniyak ng MMDA sa publiko na magde-deploy sila ng traffic enforcers para mapanatili ang kaligtasan, pati na rin ang crowd control.

Samantala, heto naman ang listahan ng mga pelikulang dapat ninyong abangan sa mga lokal na sinehan simula December 25 hanggang January 7, 2023:

  1. “DELETER” na pinagbibidahan ni Nadine Lustre.

  2. “FAMILY MATTERS” na pinagbibidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena

  3. “MAMASAPANO NOW IT CAN BE TOLD”  starring Edu Manzano, Aljur Abrenica at JC De Vera

  4. “MY FATHER, MYSELF” nina Jake Cuenca at Dimples Romana

  5. “LABYU WITH AN ACCENT” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria

  6. “NANAHIMIK ANG GABI” nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo

  7. “PARTNERS IN CRIME” starring Vice Ganda at Ivana Alawi

  8. “MY TEACHER” na bida sina Toni Gonzaga at Joey De Leon

Related chika:

Cast ng ‘Family Matters’ wish sa madlang pipol na panoorin ang kanilang pelikula sa MMFF; Agot Isidro naghahanap na nga ba ng dyowa?

Direk Mikhail Red ‘hoping’ na maging blockbuster ang kanyang pelikula na ‘Deleter’ sa MMFF filmfest

Toni Gonzaga, Paul Soriano may ipinangako sa pamilya ni Joey de Leon nang gawin ang ‘My Teacher’ para sa MMFF 2022

Read more...