IKINABAHALA at nag-alala ang maraming residente ng Batangas matapos matukoy ng mga awtoridad ang kaso ng “isolated” avian influenza Type A o tinatawag na “bird flu “sa bayan ng Ibaan.
Pero pagtitiyak naman ng Batangas Provincial Veterinarian na si Romelitor Marasigan sa pamamagitan ng isang pahayag na ginagawa na nila ang mga dapat gawin upang makontrol ang pagkalat ng bird flu.
“Culling and disposal of poultry and infected materials have been completed. Avian Influenza control measures have been set in place,” lahad sa pahayag na ibinandera sa Facebook page ng Batangas public information office.
Dagdag pa sa post, “These include the conduct of surveillance activities in the 1 and 7-kilometer radius zones and the establishment of checkpoints to limit the movement of poultry and poultry products in and out of the 1-kilometer zone.”
Ipinaliwanag din ni Marasigan na wala namang kalapit na commercial poultry facilities sa infected area.
Nilinaw din niya na walang karagdagang ulat ng morbidity at mortality ng manok sa nasabing lugar.
Hinikayat ni Marasigan ang lahat ng mga manukan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na biosecurity measures at sumunod sa mga precautionary safeguard na itinatag ng provincial government.
Para sa kaalaman ng marami, Sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention na ang H5N1 ay nakamamatay sa mga hayop, at posibleng makahawa ito sa mga tao at magdulot ng malubhang sakit.
Read more:
Bianca Gonzalez ‘graduate’ na sa pakikipaglaban kontra-COVID; nagbigay ng 5 ‘isolation tips’
Terence Romeo inireklamo ng mga investors ng poultry business na kanyang inendorso