Andrea Brillantes bibida raw sa remake ng 'Dyesebel', magaling lumangoy at sumisid | Bandera

Andrea Brillantes bibida raw sa remake ng ‘Dyesebel’, magaling lumangoy at sumisid

Ervin Santiago |December 12,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes bibida raw sa remake ng ‘Dyesebel’, magaling lumangoy at sumisid

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 09:47 AM

Andrea Brillantes bibida raw sa remake ng 'Dyesebel', magaling lumangoy at sumisid

Andrea Brillantes

TRUE nga kaya ang kumakalat na chika na si Andrea Brillantes na raw ang napili para magbida sa bagong version ng fantasy-drama series na “Dyesebel”?

Ito kasi ang usap-usapan ngayon sa social media kasabay ng ibinalita ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update “YouTube” channel.

Ayon sa chika, sisimulan daw ang shooting ng “Dyesebel” sa 2023 na siyang ipapalit ng ABS-CBN sa “Mars Ravelo’s Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Ang “Dyesebel” ay likha ni Mars Ravelo na siya ring nasa likod ng “Darna”, “Captain Barbell” at “Lastikman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Ang huling gumanap na Dyesebel ay si Anne Curtis na umere sa Kapamilya Network noong 2014. Nakasama niya rito sina Gerald Anderson at Sam Milby.

Ayon kay Ogie, na nakasama rin sa “Dyesebel” ni Anne, pwedeng-pwede naman talagang mag-Dyesebel si Andrea dahil marunong itong lumangoy at magaling ding sumisid.

Sey pa ng vlogger, base sa ilang Instagram photos ni Andrea ay praktisado na ito sa paglangoy at pagsisid dahil sa kanyang regular swimming sessions.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang ABS-CBN  kung matutuloy ba sa 2023 ang “Dyesebel” at kung si Andrea na nga ba ang bibida rito.

Matatandaang sa ilang panayam noon kay Andrea ay palagi niyang sinasabi na pangarap talaga niyang gumanap na sirena.

“Gusto ko talaga kasi nung bata ako, feeling ko sirena ako. Kinulang lang kasi ako sa buntot pero marunong akong lumangoy!” aniya.

Juday umiyak nang bongga nang mapurnada ang pagganap na sirena sa ‘Dyesebel’

Ivana bagay na bagay maging Dyesebel; kapatid na si Hash nanliligaw kay Donnalyn Bartolome?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending