Imee Marcos tinawag na ‘gangster kusinera’ at pinarurusahan daw sa pagiging intrimitida; naglabas ng sariling cookbook

Imee Marcos tinawag na 'gangster kusinera', pinarurusahan daw sa pagiging intrimitida; naglabas ng sariling cookbook

Reggie Aspiras at Imee Marcos

FAVORITE n’yo rin ba ang Dinengdeng? Kung “yes” ang sagot n’yo, siguradong magkakasundo kayo ni Sen. Imee Marcos at ng iba pang miyembro ng First Family.

In fairness, bukod sa masarap na ay sobrang healthy pa ng nasabing putahe na sikat na pagkain ng mga Ilocano na may pakakahawig sa Pinakbet. Pero mas kaunti lang ang gulay ng Dinengdeng kumpara sa pinakbet at mas maraming bagoong.

Ang Dinengdeng na ipinagmamalaki ni Sen. Imee ay namana pa nila sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Pero wala itong bagoong kundi pinapalitan ng tulya o halaan  na siyang pampaalat.

Ayon pa sa senador, kung isang ulam nga raw siya yan ay walang iba kundi Dinengdeng dahil nga ito ang pinaka-favorite niya mula noon hanggang ngayon.

Aminado naman ang senadora na hindi siya chef pero ang tawag niya sa sarili ay isang “gangster kusinera,” “I must have been a really naughty kid because I was always punished to the kitchen every day.”

“I got punished for being intrimitida. I always had sassy answers to all kinds of things. I was very outspoken and rebellious. In the end, I got to really love the kitchen. Ang saya-saya, ang gulo-gulo,” aniya pa.


“My mother is very, very adventurous. There’s very little she won’t try. Like a good bisdak, she will eat anything at least once. My dad is not like that at all.

“But he gave us a real appreciation of healthy eating. Long before it became a fad, my father was eating soy bean, wheat germ and cutting out red meat from his meals,” kuwento ng senadora.

Napag-usapan ang paboritong pagkain ni Sen. Imee at ang pagiging kusinera gangster sa mediacon para sa kanyang librong “PinakBest!”

Dito matututo kayo ng iba’t ibang recipes na hindi lang basta masarap, siksik din sa maganda at makukulay na kuwento na pupuno sa inyong mga puso.

Ito ang first-ever cookbook ng senador kung saan ang lahat ng mga recipe ay mula sa “Marcos Kitchen and More.” Isa rin itong recipe book na nagbibigay-pugay sa mga favorite dish ng pamilya Marcos.

Traditonal food na mas pinasarap pa sa paglalagay ng mga paborito mong ingredients, all-time favorite comfort food na mas nagiging espesyal at mas masarap dahil nagiging parte na ng family tradition.

Mga putahe na malapit sa puso at magpapaalala ng mga simple at masasayang panahon kasama ang pamilya.

Ibabahagi ni Sen. Imee sa nasabing libro ang isang detalyado at step-by-step procedure sa pagluluto ng mga favorite dish ng kanilang pamilya.

Ilan sa mga recipe ay mga Filipino favorite tulad ng Okoy, Dinengdeng, at Ginataang Kinilaw, na mula sa mga probinsiya ng kanilang magulang, sina Pangulong Ferdinand at First Lady Imelda Marcos, ang Ilocos Norte at Leyte.

Bukod sa mga matututunang recipes, ibinahagi rin ni Sen. Imee sa PinakBest! ang mga kuwento sa bawat putahe at kung paano ito nagbigay ng happy memory na pinahahalagahan ng Marcos family.

Mula sa pagluluto ni Macoy ng Okoy para sa mga kaibigan, sa pag-aabang ng first lady ng mga bagong huli na isda sa baybayin ng Leyte, hanggang sa pagkain ng mga anak ni Sen. Imee ng mga oyster habang nasa bakasyon sa France.

Mababasa rin sa libro ang isang foreword at mga additional cooking tips ni Chef Reggie Aspiras, isang matalik na kaibigan (at kapwa-Ilokano) ng mga Marcos.

Ang “PinakBest!” ay hindi lang isang libro ng mga recipe pero isang memoir na isinulat ni Sen. Imee na nagpapahalaga sa history ng kanilang pamilya, tradisyon, malapit nilang pagsasama, at siyempre ang pagmamahal nila sa masarap na pagkain.

Matuto nang higit pa sa pagluluto ng mga paborito mong putahe at alamin din ang ganda, obra at makukulay na kuwento na naibabahagi ng pagkain.

Imee Marcos nagmana sa amang si Ferdinand Marcos Sr., tinawag na ‘Maid in Malacañang’

Darryl Yap may 3 eksenang pinutol sa ‘Maid In Malacañang’: OK lang yung napapagalitan ako, wag lang mademanda

Cristine sa pagganap bilang Imee Marcos: Ang tindi ng pressure, pinag-aralan ko talaga bawat kilos at salita niya, pati ikot ng mata

Read more...