Payo ni Zeinab sa mga lalaki, tularan si Xian Gaza: 'Wag kayong pumasok sa relasyon kung hindi n’yo pa kayang manindigan | Bandera

Payo ni Zeinab sa mga lalaki, tularan si Xian Gaza: ‘Wag kayong pumasok sa relasyon kung hindi n’yo pa kayang manindigan

Reggee Bonoan |December 05,2022
facebook
share this

Payo ni Zeinab sa mga lalaki, tularan si Xian Gaza: ‘Wag kayong pumasok sa relasyon kung hindi n’yo pa kayang manindigan

Reggee Bonoan - December 05, 2022 - 09:05 AM

Payo ni Zeinab sa mga lalaki, tularan si Xian Gaza: 'Wag kayong pumasok sa relasyon kung hindi n’yo pa kayang manindigan

Xian Gaza at Zeinab Harake

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pag-amin ni Xian Gaza na love na love niya si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan dahil hindi pa siya sawa sa pagkabinata at baka raw masaktan lang niya ito.

Sinagot naman ito ng sikat na influencer at vlogger sa mismong post ng tinaguriang Pambansang Marites.

Mensahe ni Zeinab kay Xian, “Love you friend.

“Ganyan dapat boys pag di kayo sigurado or hindi pa kayo tapos sa buhay binata nyo ‘wag kayong mag papaasa o pumasok sa relasyon na kayo mismo alam sa sarili nyong hindi n’yo pa kaya manindigan at magseryoso.

“Hindi ‘yung nakakasakit kayo ng babaeng walang hinahangad kundi ang magkaron ng maayos na partner o pamilya di laro ang commitment taena nyo!!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Ang reply sa kanya ni Xian, “Zeinab Harake, Guilty ako sa bagay na ‘yan sa totoo lang. Natuto na lang talaga ako. Sabi nga sa isang quote, eh, hindi porke ganoon ka before eh you cannot advocate against it now. People grow. We are a work in progress.

“Ang importante ay alam nating itama ‘yung mga pagkakamali natin to become better versions of ourselves,” aniya pa.

May ipinost ulit si Xian pagkatapos nilang magklaruhan ni Zeinab, “Sabi nu’ng business partner ko dito, ang ganda daw ng mukha ni Zeinab. Sabi ko sa likod ng kagandahan niya ay wagas na pagmamahal at hindi natingin sa panlabas na kaanyuan. Paano ko daw nasabi. Pinakita ko picture nila ni Skusta (Clee), umagree siya. Hahaha.”

Si Skusta Clee ang dating karelasyon ni Zeinab na ama ng mga anak niyang sina Bia at Baby Moon (nakunan).

Anyway, kaya pala nasa Dubai, UAE si Zeinab ay may promo tour siya para sa produktong ineendorso nila ni Andrea Brillantes. Sinamantala na rin ni Zeinab ang chance na magkita sila ni Xian na madalas din sa nasabing bansa dahil sa kanyang negosyo.

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Xian Gaza love na love si Zeinab Harake pero ayaw pa niyang ligawan: Alam kong masasaktan ko lang siya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla pinagselosan daw ang aktres na nakatrabaho ni Tom kaya nagkalabuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending