Buboy Villar may bagong ka-loveteam, magpapakilig sa 'Ang Kwento ni Makoy' | Bandera

Buboy Villar may bagong ka-loveteam, magpapakilig sa ‘Ang Kwento ni Makoy’

Ervin Santiago |December 05,2022
facebook
share this

Buboy Villar may bagong ka-loveteam, magpapakilig sa ‘Ang Kwento ni Makoy’

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 07:24 AM

Buboy Villar may bagong ka-loveteam, magpapakilig sa 'Ang Kwento ni Makoy'

Bella Thompson at Buboy Villar

ISANG natatanging pelikulang mapapanood na sa mga sinehan ang magpapakilala sa bagong loveteam ng former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at promising actress na si Bella Thompson sa “Ang Kwento ni Makoy” (AKNM).

Ang romcom movie na ito ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse (Buboy) na mag-aalaga sa isang masungit na COVID patient (Bella).

Mula sa direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc, “Ang Kwento Ni Makoy” ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong Disyembre 7.

Bukod kay Buboy at Bella, bibida din sa “Ang Kwento ni Makoy” ang mga emerging stars na sina  Elan Villafuerte, Jimson Buenagua, Ranz Aganan, Angelita Loresco, Kenneth Mangurit, at Kharyl Shanti Ibnohasim na kilala sa larangan ng Philippine indie films at indie theatrical plays.

Kasama rin dito ang mga bagong mukha sa industriya na sina Caroline Perla, Jonna Sibonga, at Prince Euri Feliciano.

Kinunan noong kasagsagan ng pandemya, ang istorya ng “Ang Kwento ni Makoy” ay iikot sa kakaibang onscreen chemistry nina Bella at Buboy kung saan gaganap ang dalaga bilang isang self-help writer na magiging positibo sa COVID-19 at aalagaan naman ng karakter ni Buboy na isang mabait at masayahing nurse.

Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga karakter pagdating sa kani-kanilang pananaw sa buhay, ang karisma ni Buboy ang magbibigay-daan para maging magkaibigan ang dalawa at matutunan ang kahalagahan ng buhay at mga taong malapit sa kanila.

Sabi ni Buboy about his role, “Actually meron kaming similarities ni Makoy na parang gusto ko mapasaya kayong lahat, gusto ko maibigay yung nararapat para sa inyo, gawin ang trabaho ko.

“I mean si Makoy ganu’n din siya ang sa kanya lang too much yung pag gawa niya. Kaya mahal na mahal ko si Makoy,” aniya.

Sey naman ni Bella, “Very grateful ako na kasama ko dito sa Buboy, kasi tinutulungan niya ako when it comes to acting.”

Huwag palampasin ang loveteam debut nina Buboy at Bella sa big screen sa pagbubukas ng “Ang Kwento Ni Makoy” sa mga sinehan nationwide ngayong Disyembre 7.

Buboy Villar may chance nga bang ma-inlove sa kaparehang si Bella Thompson?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa ‘Running Man’: Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending