Kaye Abad gusto nang magbalik-showbiz: 'Kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!' | Bandera

Kaye Abad gusto nang magbalik-showbiz: ‘Kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!’

Ervin Santiago |December 05,2022
facebook
share this

Kaye Abad gusto nang magbalik-showbiz: ‘Kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!’

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 07:27 AM

Kaye Abad gusto nang magbalik-showbiz: 'Kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!'

Kaye Abad

NEVER sumagi sa isip ng Kapamilya actress na si Kaye Abad ang iwan ang ABS-CBN at Star Magic para lumipat sa ibang TV Network.

Isa si Kaye sa mga artistang binigyan ng loyalty award ng Star Magic kamakailan sa ginanap na  bonggang Christmas-themed party ng nasabing talent management.

Present ang celebrity mom sa nasabing event virtually mula sa Cebu at abot-langit nga ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bossing ng network at sa mga handlers at managers ng Star Magic.

“Thank you to my Star Magic family for this recognition. Hindi ko na siguro kailangan pang patunayan sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, because never pumasok sa isip ko na iwanan kayo,” simulang pagbabahagi ni Kaye.

Aniya pa, “Though may isang instance – Lolo, remember, noong nagpaalam ako sa ‘yo bago ako ikasal, titigil na ako? — but then, nandito pa rin ako,” sey ng aktres na ang tinutukoy ay ang Star Magic head na si Lauren Dyogi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


“To Lolo LMD, thank you. Isa ka sa mga tao na kahit before, before pa ako mag-‘Tabing Ilog,’ isa ka sa mga taong naniwala sa kakayanan ko,” sey pa ng asawa ng actor-entrepreneur na si Paul Jake Castillo.

Hirit pang mensahe ni Kaye, “I hope to be back soon, kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!”

Bukod kay Kaye, ang iba pang binigyan ng loyalty awards ng Star Magic ay sina Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Dimples Romana, Nikki Valdez at Dominic Ochoa.

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja umaming may ginagawang ‘milagro’ sa swimming pool; Empoy na-jebs sa pantalon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending