Sam may negosyo na, paghahanda sa kasal nila ni Jessy Mendiola

Sam Milby at Jessy Mendiola

SIGURADONG isang paghahanda na para sa kanyang future family ang pagpasok ng Acoustic Heartthrob na si Sam Milby sa pagnenegosyo.

Isa kami sa naimbitahan ni Sam at ng iba pa niyang business partners sa opening ng kanilang resto bar, ang PROST na matatagpuan sa The Fort Strip sa Taguig City noong Lunes ng gabi. In fairness, ang cozy ng lugar at ang sasarap ng food, lalo na ‘yung sausage platter na inihain sa amin ng ating mga friendship na sina Reggee Bonoan, Maricris Nicasio at Rohn Romulo.

Ayon kay Sam, nagdesisyon siyang pumasok na rin sa negosyo (kasosyo ang mga kaibigan niyang sina Dom Hernandez, Stefania Zanirato, Ryan Syjuco, Marc Von Grabowski at Edward Hernandez) para na rin sa kanyang future, pero hindi naman daw ito paghahanda para sa pag-aasawa na. Gusto rin daw kasi niyang makita na may magandang pinupuntahan ang kinikita niya.

Tungkol sa panliligaw niya sa bida ng seryeng Maria Mercedes na si Jessy Mendiola, natutuwa siya dahil pinakikisamahan siya ng aayos ng dalaga. Hindi naman siya na-shock sa balitang plano ring ligawan ni Jake Cuenca ang Kapamilya actress.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Jake na, “May the best man win!” “Hindi ko alam sasabihin ko,” tugon ni Sam kasabay ng paglilinaw na hindi sila magkaaway ni Jake.

“Even kami ni Jake, they’re trying to make it look na parang meron kaming competition, or something like that. We’re friends. We hung out sa Star Magic Ball. There’s nothing wrong with our friendship.

“If you’re going for the same girl, it shouldn’t ruin your friendship,” sey ni Sam.

May mga nagsasabi na talo na siya ni Jake pagdating sa “exposure” dahil kasama nga nito si Jessy sa Maria Mercedes,

“Hmmm…well, naggigitara ako, kumakanta. I have experience over him!”
Pero bumawi agad si Sam, “Hindi. You know, I don’t want to make an issue na parang may big competition between me and Jake. All is fair in love and war. He has his way of making ligaw. I have my way of making ligaw.”

Handang maghintay si Sam para sa matamis na “oo” ni Jessy, “She told me na she’s very concentrated sa work niya ngayon. And

I don’t blame her. She’s being launched as a leading lady, tapos sa primetime pa. So, this is gonna be a big break for her.”

Dagdag pa ng bagong businessman, “We’re still in the getting-to-know stage. We’ve only been getting to know each other mga two months pa lang. We see each other every now and then. We still do.”

Nagkakilala sina Sam at Jessy noon pang isang taon, nang magkasama sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at inamin ni Sam na doon pa lang ay nabighani na ni Jessy ang puso niya, “Attracted? Matagal na. Jessy’s one of the most beautiful faces in showbiz. Nag-MMK kami dati, and even then, I appreciate the fact na kahit na wala siyang make-up, mas maganda siya. She’s a natural beauty.”

Nilinaw naman ni Sam na kahit sagutin siya ni Jessy ay hindi niya ito agad yayain ng kasal, bata pa raw sila pareho at marami pang pwedeng mangyari sa kanilang buhay at career. Sam is only 29, “I am at the point na I’m not ready for marriage din. Forty-five years old ang ideal age ko.”

 

Read more...