ISANG magandang regalo ang natanggap ng ilang residente mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan pagpasok ng Disyembre.
Kung noong nakaraang linggo lamang ay namahagi ng Christmas food packs ang Pasig City, aba, umarangkada na rin ang ilang LGU ng Metro Manila.
Isa na riyan ang Quezon City na mismong si Mayor Joy Belmonte pa ang nag-distribute ng maagang pamasko sa kanyang mga residente.
Sa isang Facebook post ay ipinagmamalaki ng QC LGU na libo-libo ang nabigyan ng kanilang pamaskong handog.
Sey sa isang post, “Dahil Disyembre na, puspusan na ang pamimigay ng pamaskong handog ng Quezon City Government!
“Aabot sa 4,830 QCitizens na miyembro ng Joy Belmonte Volunteers Movement (JBVM) ang nabigyan ng maagang pamaskong handog mula sa lokal na pamahalaan ngayong araw.”
Dagdag pa sa caption, “Mismong si Mayor Joy ang nag-abot ng pamaskong handog sa JBVM mula sa District 2 at District 5. Kasama rin ng alkalde sina District 5 Rep. PM Vargas, District 2 Action Officer Bong Teodoro, District 5 Action Officer William Bawag, at mga opisyal ng barangay.”
Sinabi rin ng local government na nag-uumpisa pa lang sila sa pamimigay at tiniyak na bawat barangay ay makakakuha.
Sey sa isang FB post, “Matuto po TAYONG MAGHINTAY umpisa pa lang po ito (Smiling face emoji) libo libo pa ang mabibigyan sa BAWAT BARANGAY AT DISTRITO.. MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON QUEZONIANS.”
Pinangunahan naman ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pamimigay ng Christmas food box para sa kanyang nasasakupan.
Laman nito ay panghanda sa darating na pasko, kabilang na ang pasta, canned goods, keso, at marami pang iba.
Caption pa ng Manila Public Information Office, “Simulan na ng Pamimigay ng Saya!
“Handa na ang lahat para sa muling pagbabalik ng ating taunang Christmas Food Boxes para sa ating mga Manilenyo.”
Sari-saring grocery items din ang ibinigay ng Makati sa mga residente.
Ibinandera pa mismo sa isang Facebook post ang video ng kanilang pamimigay.
Caption pa ng LGU, “Masayang tinanggap ng #ProudMakatizens ngayong araw ang kanilang Pamaskong Handog Bags mula kay Mayora Abby at Cong. Luis.
“Ayon kay Mayora Abby, hangad ng pamahalaang lungsod na maghatid ng saya at masaganang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.”
Sa hiwalay na post ng Makati, ipinaskil nila ang listahan ng schedule para sa distribution ng kanilang Christmas food packs.
Related chika:
#NamamaskoPo: Madam Inutz may bonggang regalo sa mga nasalanta ng bagyo sa Cavite at Batangas
#NamamaskoPo: Pasig City nag-umpisa nang mamigay ng Christmas food packs
San Juan City Mayor Zamora bagong Metro Manila Council president