EA Guzman game na game pa rin sa kabaklaan, dream role ang gumanap na may epilepsy at may diperensya sa pag-iisip

EA Guzman game na game pa rin sa kabaklaan, dream role ang gumanap na may epilepsy at may diperensya sa pag-iisip

EA Guzman

PAYAG na payag pa rin ang Kapuso actor at dancer na si Edgar Allan Guzman na gumanap ng bading sa mga teleserye at pelikula.

Hindi naman daw siya namimili ng role pero ang mahalaga sa kanya ay yung matsa-challenge siya at mapu-push pa ang kanyang pagiging versatile actor.

Isa si EA sa mga Kapuso stars na muling pumirma ng exclusive contract sa Sparkle GMA Artist Center sa ginanap na “Signed For Stardom” nitong nagdaang November 22.

Todo ang pasasalamat ng binata sa mga bossing ng GMA dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. Aniya, simula raw nang maging opisyal na Kapuso siya noong 2019 ay nagsunud-sunod na ang pagdating ng blessings sa kanya.

“Napakaswerte ko at thankful ako sa Sparkle at sa home network ko sa GMA kasi since 2019 na nag-sign ako sa Sparkle, GMA Artist Center pa before, hindi nila ako pinabayaan.

“Every year mayroon tayong teleserye, may bago tayong blessing coming from them,” pahayag ni EA sa panayam ng GMA Network.


“Alam ko naman na hindi nila ako pababayaan and I trust them. Talagang buong puso ko nasa kanila. Hindi ko sila ile-let down, talaga namang lahat ng ibibigay nilang trabaho sa akin is ibibigay ko 110 percent,” dagdag pa ng binata.

Super excited na raw siya sa mga next projects niya sa GMA at looking forward na rin sa mas marami pang challenging roles na ibibigay sa kanya ng kanyang mother etwork.

“Mga dream role kung gusto like ‘yung may sakit, for example ‘yung may epilepsy, may diperensya sa pag-iisip, iyon ‘yung mga sa tingin ko na matsa-challenge ako kapag ginawa kong role.

“And willing akong bumalik ulit like gumawa ng isang proyekto like teleserye na bading ako. I’m looking forward na gawin ‘yun sa Kapuso Network,” sabi pa ni EA.

Kasalukuyang napapanood si EA sa GMA Afternoon Prime series na “Nakarehas Na Puso”, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. pagkatapos ng “Unica Hija” sa GMA Afternoon Prime.

EA Guzman nakapagpundar na ng mga ari-arian: Very careful ako sa kinikita ko, dapat wais talaga sa paggastos

Rita naiyak sa nakuhang nominasyon sa Int’l Filmfest Manhattan; David, EA aamin kina Boobay at Tekla

Rico Blanco payag maging housemate sa PBB season 10, pero may nakakalokang hirit ang pamilya

Read more...