‘Misis ni Gary epal, mga anak feeling gwapo chaka naman’

Angeli Pangilinan INQUIRER

Ayaw tantanan ng mga bashers si Angeli Pangilinan dahil sa tweet niyang hindi dapat kumanta ang mga artista na hindi naman singer. Ang daming nam-bash sa kanya.
Ang nakakaloka, tinarayan siya talaga ng mga nakabasa ng kanyang tweet. Some even defended Anne Curtis na sa isip nila ay pinatamaan ni Angeli sa kanyang tweet.
“Bitter much si Angeli. Sana di sya nagsabe ng ganon. The thing is.. people rich or poor have talents. Di porke ikaw lang ang magaling kumanta ikaw lang ang sikat. May lumalabas talaga na bago sa paningin ng tao. At lahat ng tao nagsasawa din.
“So ang mga tulad nina Gary V na nagkapangalan na should give ways to other singers and other not so talented singers out there. Di lang sila ang may K umangat sa buhay. Lahat ng tao may kakayahan at lahat ng tao may pangarap. Dont be selfish. Buti nga si Anne di naoffend. Dinefend lang nya sarili nya. And she knows sya ang pinapatamaan,” one guy said.
Meron pa ngang nam-bash din sa mga selfie videos ng kanyang anak na si Gab, “Eto naman si angeli, kung makapagsalita parang hindi weirdo ng mga selfie videos ng anak. For entertainment naman yung kay Anne. Ano ka ba. Music is supposed to be universal,” commented one fan.
“Ewan ko sa’yo Angeli, tell that to your son who clearly lacks star quality and yet performs on tv,” sabi pa ng isang asar kay Angeli.
“Jusko…Eh yung mga anak niyang pinipilit mag showbiz wala naman star factor… Feeling pogi at hunk pa yung si gab eh ang chaka naman… Talented kung sa talented pero walang dating… Pang back-up lang… Ang point ko… Walang basagan ng trip!!!” pananaray pa ng isa.
Ang feeling naman ng isang nag-comment ay masyadong bitter itong asawa ni Gary Valenciano, “E way nila para magkapera e…mapakla ka kasi wala kayong bagong idea! As a manager dapat alam mo kung paano magiging hit ang mga talent mo… kung ang way mo e manghila ng iba… goodluck sayo!”
Ayan tuloy ang napala mo Angeli. Pati tuloy ang anak mo napuruhan sa mensahe laban sa ‘yo. Oo nga. Kung ‘yon ang feeling niya, bakit ipinasok niya sa showbiz ang mga anak niyang wala namang K?

Read more...