Takbo sa panaginip (2)

Sulat mula kay Kimmie, ng Maitum, Sarangani
Problema:
1.      Tumatakbo ako sa panaginip at tatlong gabi na ito, bagaman hindi naman sunud-sunod.  Basta malinaw na tumatakbo ako.  Nais ko pong malaman ang kahulugan nito. Bakit kaya ako takbo nang takbo sa panaginip ko gayong wala naman po sa aking humahabol?
2. Sa ngayon po ay nag-aaplay ako ng trabaho bilang D.H. sa Kuwait, matutuloy po ba ako? November 22, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Kimmie, ng Maitum, Sarangani
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 1.) ang nagsasabing isang kaibigang Taurus ang tutulong sa iyo upang mas madali kang matuloy sa binabalak mong pag-aabroad.
Numerology:
Ang birth date mong 22 ay nagsasabing susuwertehin ka sa mga lalaking isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23 at malamang na isa sa kanila ang mapapangasawa mo sa iyong pagbabalik sa ating bansa. Samantala, tinataya namang sa taon 2014 sa edad mong 27 pataas, may isang mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Dream Interpretations:
Ang tumatakbo sa panaginip ay nangangahuluga ng “pagsisikap”. Sa particular, ang pagsisikap na ginagawa mo sa ngayon ay may kaugnayan sa “career”. Ibig sabihin, kahit walang humahabol sayo ikaw ay tumatakbo, nangangahulugan lamang na sa panahong ito patungo ka na sa “finish line”. Ibig sabihin ng “finish line”, patungo ka na sa isang matagumpay at maalwang pamumuhay. Ang panaginip mo ring tumatakbo ay tanda ng isang matagumpay na career o hanap buhay sa hinaharap.
Huling payo at paalala:
Kimmie ayon sa iyong kapalaran, ang panaginip mong tumatakbo ay isang kasiguraduhang magtatagumpay ka sa career. Kaya nga tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap sa taon 2014 sa edad mong 27 pataas, sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre matutuloy ka sa binabalak mong pag-aabroad sa Kuwait at ang nasabing pag-aabroad ang magiging simula upang marating mo ang “finish line” ng iyong destinasyon – isang maalwan at maunlad na bukas.

Read more...