Ang mga napiling cast members ng ‘Siglo Ng Kalinga’
SIGURADONG matutuwa at mas magiging proud pa ang lahat ng Filipino nurse sa buong universe kapag naipalabas na ang pelikulang “Siglo ng Kalinga.”
Kaabang-abang ang nasabing proyekto mula sa Dr. Carl Balita Productions (CBP) sa pakikipagtulungan ng Philippine Nurses Association o PNA dahil nga ang lahat ng magsisipagganap dito ay puro mga nurse.
Ang “Siglo ng Kalinga” ay hango sa life story ni Anastacia Giron Tupas, ang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922 at pagkalipas nga ng ilang taon, ang FNA ay naging PNA.
Sa naganap na cast reveal ng pelikula kamakailan, sinabi ng producer nitong si Dr. Carl Balita, na bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.
Sa direksyon ni Lemuel Lorca (Maestra, Echorsis, Ned’s Project, Sunday Night Fever), ang mga bibida rito ay sina Abbey Romero, Denmark Mismanos, Jewell Alano, Lorrich Del Tantoco, Joel Rey Carcasano, Jerico Roque, Dre Canaria, Bambi Rojas, VJ Mendoza, Tads Obach, Ms. Irma Bustamante at Ms. Lydia Palaypay.
Ang napili namang bumida sa movie na gaganap as Anna Formantes ay Joy Ras na naging emosyonal nang ipakilala na siya sa members ng entertainment media.
Sabi ni Joy, “Nurses are like actors too, we do our jobs everyday and try not to show much emotions especially when we get affected when someone dies, we feel and remember patients when that happens. Our jobs as nurses in a way equate to acting experience.”
Natanong naman si Dr. Carl kung paano nabuo ang project ba ito, “Ang PNA is celebrating it’s 100 years, so ano, centennial and we would like to immortalize the stories of the nurses, especially in the middle of this pandemic and that became the inspiration to us to immortalize the celebration, through a film.”
Nagdesisyon daw sila na puro nurse ang kuning members ng cast dahil, “Kasi baka hindi ninyo alam, talented ang mga nurses. Sa akin, I’d like to put the spotlight on these actresses who are potential stars. Malay n’yo thru this film, may mag-emerge na isang Best Actress and Best Actor na nurse, we would love that.”
Kuwento pa ni Dr. Carl, dumaan sa matinding acting workshop ang mga nurse-turned actor sa ilalim ng pamamahala ng award-winning actress na si Angeli Bayani.
Ayon pa kay Dr. Carl, kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa ilang celebrity nurse para magkaroon ng special participation sa pelikula tulad nina Kuh Ledesma, Rocco Nacino, Princess Punzalan at Carol Banawa.
Kung wala nang magiging problema, anytime soon ay magsisimula na ang shooting para sa “Siglo ng Kalinga”.
Apo ng pinakamatandang mambabatok umalma: ‘Warning! Whang Od Academy is a scam!’
Kathryn mas lalo pang tumaas ang respeto, paghanga sa mga nurse at doktor; Zanjoe sinagot na nga ba ni Ria?
Movie producer-radio anchor Carl Balita wala nang atrasan sa 2022; may promise sa mga taga-showbiz