Julia nagugulat sa gastos sa bahay: ‘Ay, may nagli-leak! May sirang ilaw! Yung kitchen, yung gas, yung tubig, yung kuryente!’

Julia nagugulat sa gastos sa bahay: 'Ay, may nagli-leak! May sirang ilaw! Yung kitchen, yung gas, yung tubig, yung kuryente!'

Julia Barrett

HABANG tumatagal ay parami nang parami ang natututunan ng aktres na si Julia Barretto sa pagiging independent single lady, lalo na sa kanyang solong pamumuhay.

Dalawang taon nang nabubuhay ang dalaga nang mag-isa sa sarili niyang bahay na malayo sa kanyang inang si Marjorie Barretto pati na rin sa mga kapatid.

Sey ng girlfriend ni Gerald Anderson, marami nang naging pagbabago sa kanyang buhay ni Julia sa loob ng dalawang taon lalo pa’t nagdesisyon siyang bumukod sa kanyang pamilya.


Sa panayam ng Cosmopolitan Philippines, nag-share si Julia ng ilan sa mga natutunan niya habang namumuhay mag-isa. Aniya, super challenging ang nakaraang dalawang taon para sa kanya.

“I think the past two years have been the most challenging years of my life yet, only for the main reason na it was just about adapting to a lot of changes in my life and being brave enough and strong enough to withstand the transitions in my life.

“I don’t think any kind of change is easy. The older you get, the braver you become to accept change,” paliwanag ng aktres.

Sey pa ng anak nina Marjorie at Dennis Padilla, matagal-tagal na rin daw na siya ang nag-aasikaso sa pagbabayd ng kanyang bills mula pa noong ipagkatiwala ito sa kanya ng ina.

“Ang dami niya na kasing iniwan sa akin na duties and even the bills before, so ang dami ko lang ding na-discover sa sarili ko and natutunan,” sabi ni Julia.

Pero sa kabila nito, nasa-shock pa rin siya sa mga biglaang gastos sa kanyang bahay, lalo na kapag nagkakaroon ng sira o aberya ang ilang bahagi nito.

“Ang living expenses, hindi naman natatapos yan! Parang minsan, magugulat ka, ‘Ay, may nagli-leak! Ay, may nasirang ilaw, napundi! Ay, yung kitchen! Ay, yung gas! Ay, yung tubig! Ay, yung kuryente.’

“I think it was nakakagulat. Parang, ‘OMG! Ito pala yung responsibilities!’ Like, you don’t expect it, you will just hear about it [before] but when you’re there na, iba siya, e. So, nagulat ako,” pahayag pa ni Julia sa nasabing interview.

‘All by myself’ ang drama ngayon ni Heart: I’m learning to walk alone and being independent and I kind of love it!

Sylvia natatakot sa pagsosolo ni Ria sa buhay: Kasi minsan naaabuso na siya at nasasaktan ako para sa kanya

Read more...