MALAPIT na ang inaabangang laban ng ating pambato na si Binibining Pilipinas International Hannah Arnold.
Mangyayari ang Miss International competition sa Tokyo, Japan sa December 13, pero ngayon pa lang ay humihingi na ang beauty queen ng dasal at suporta.
Ayon kay Hannah, 68 na mga kandidata ang kanyang kakalabanin sa pageant.
Nanawagan din siya sa mga Pinoy na huwag kalimutang bumoto.
Caption niya sa post, “In just 5 days, 68 of us delegates will finally come together and live our dream on the international stage (relieved face emoji) Please do continue to pray for our journeys and don’t forget voting opens upon our arrival in Japan (Smiling face with heart eyes emoji)”
Kamakailan lang ay sunod-sunod ang naging send-off party para kay Hannah.
Unang nagbigay sa kanya ng party ay ang Department of Science and Technology (DOST) na lubos na ikinatuwa ng beauty queen.
Ayon kasi sa kanya, tila nagsama ang kanyang kinahihiligan sa buhay.
“My two passions have truly come together: Science & Pageantry (purple heart emoji),” saad pa niya sa caption.
Kasunod niyan ay naghanda rin ng send-off party ang Binibining Pilipinas na para kay Hannah ay isa namang “dream come true.”
Sey pa niya sa post, “A dream is a wish your heart makes when you’re fast asleep and this is truly a dream come true to finally have my own @bbpilipinasofficial send off for @missinternationalofficial (pleading face emoji) (white heart emoji).”
Ilan lamang sa mga Pinay queens na nakapag-uwi ng Miss International title ay sina Lara Quigaman, Bea Santiago, at Kylie Verzosa.
Related chika:
Bb. Pilipinas International Hannah Arnold super happy sa send-off ceremony ng DOST
Bb. Pilipinas Hannah Arnold kering-kering pagsabayin ang science at pageantry