Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa Bandera

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Therese Arceo |November 24,2022
share this

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Therese Arceo - November 24, 2022 - 09:46 AM

Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

MAPAPA-SANA all na lang talaga ang madlang pipol sa Kapmilya actress na si Dimples Romana matapos nitong makita nang personal ang kinagigiliwang oppa ng Pilipinas na si Song Joong Ki.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ng aktres ang kanyang larawan kasama ang napakapoging South Korean star.

“Many of my dreams came true with that NYC trip for the #iEmmys and I can’t wait to share them all with you, but for now, let me share this,” saad ni Dimples sa kanyang caption.

Nagpasalamat pa nga ang aktres sa Korean aktor at naka-tag pa ito sa kanyang post.

“Hi Mr @hi_songjoongki It was such a pleasure and huge honor to meet a fellow actor like you. I am a huge fan. We Filipinos LOVE youuuu,” pagpapatuloy ni Dimples.

Chika niya, sobrang gwapo raw talaga ng Korean actor sa personal at napaka-humble.

Hirit pa ni Dimples, halos hindi raw siya makahinga habang kinukunan ang larawan sa sobrang kilig at hiling ita na sana ay kahit minsan ay magkaroon ng chance na makatrabaho niya ang aktor.

Marami naman sa mga celebrities ang talagang napahanga at tuwang-tuwa dahil mukhang ang Kapamilya actress ang isa sa mga paborito ng Diyos matapos makadaupang palad si Song Joong Ki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Sey ni Megastar Sharon Cuneta, “DEEMFOOOOOOOLS!!! Omaygaaaaaddddd si song joong kiiiiiii!!! Waaaaahhh!!!!! So happy for you!!! At EMMYS PA PALAAAAA!!! Mabuti ka kasing tao kaya blessed ka at lab kita!”

“Hala! Ang daya mo naman, mare! Sana dinamihan mo naman ang kuha. Ayaw ni @super_janice ng ganyan. Super gelli de belen yon sa yo, hahaha!” sabi naman ng kumare ni Dimples na si Ogie Diaz.

Maski si Anne Curtis ay napa-“OMG!!!!” sa post ng Kapamilya actress.

Ang ilan pa sa mga nag-comment at nag-react sa post ni Dimples ay sina Bernadette Sembrano, Chynna Cojuangco, Enzo Pineda, at Karen Davila.

Matatandaang nitong Hunyo nang mapili ang Kapamilya actress na maging isa sa international jurors para sa prestihiyosong pagkilala ngayong taon.

At sa hiwalay na IG post nga ay ibinahagi ni Dimples na ganap na siyang miyembro ng International Academy of Television Arts & Sciences.

Aniya, “Coming home to the Philippines with so many learnings, new hope, new friends and future colleagues.”

 

Related Chika:
Dimples super proud nanay sa panganay: First year of college DONE! Yes ateeee, good job!

#BabyBump para kina Dimples at Angelica, sabay magbubuntis: Women supporting women, ganu’n naman dapat di ba?

Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending