Vhong Navarro inilipat na sa Taguig City Jail para sa kinakaharap na rape case

Vhong Navarro inilipat na sa Taguig City Jail para sa kinakaharap na rape case

Vhong Navarro

INILIPAT na ang TV host-comedian na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory ngayong araw, Nobyembre 21.

Ang TCJMD ay under ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Base sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ay ipinalipat na sa Taguig City Jail si Vhong sa kasong rape na inihain ni Deniece Cornejo kung saan makakasama ni Vhong ang 993 inmates.

Natanggap naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang order noong Nobyembre 14

Base sa tweet ng ABS-CBN news, makikita sa video na papasok si Vhong na nakasuot ng orange shirt habang nakaposas ang mga kamay sa Taguig City Jail.

Kinumpirma naman ito ni NBI spokesperson, Atty Maggie Garduque, “We confirm the transfer of Vhong today from NBI to BJMP. This is in compliance with the order of the court dated November 7, 2022.”

Mula naman sa BJMP ay dadaan muna si Vhong sa 15 days quarantine at saka oobserbahan kung puwede na siyang isama sa 993 preso.

Depende pa rin kasi ito kung may mapatutunayang banta sa kanyang buhay kapag nasa loob na siya ng selda.

Unang hiniling ng kampo ni Deniece na ilipat sa Taguig City Jail ang TV host at komedyante dahil doon daw  nakasampa ang kanilang mga kaso.

Deniece Cornejo nagpetisyong ilipat sa Taguig City Jail si Vhong Navarro

Vhong Navarro hindi pinaboran ng korte, motion na manatili sa NBI facility nadenay

Read more...