JAKE: Hindi kami nagbugbugan ni RONALD SINGSON, iwas-gulo na’ko!


NAGTATAKA si Jake Cuenca kung saan nanggaling ang balita na nagkaengkwentro sila ng dating kongresista na si Ronald Singson. May chika kasi na nagkapisikalan daw silang dalawa nang magkrus ang landas sa isang bar.

Ayon kay Jake nang makachika ng ilang members ng entertainment media, walang bugbugang naganap sa pagitan nila ni Singson, sa katunayan wala raw siyang maalala na insidente na nagkita sila sa isang event at nagkaroon ng pagtatalo.

Kung matatandaan nagkaroon ng issue ang dalawa nang ligawan at ma-link si Jake kay Lovi Poe na ex-girlfriend nga ni Singson.

Sinasabing imbiyerna raw ang dating congressman kay Jake dahil feeling nito ay inahas ng hunk actor si Lovi sa kanya. Pero si Lovi na nga ang nagsabi noon na walang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

Paliwanang ni Jake, “Hindi. Really wala. Nothing. Actually tinanong sa akin yan ng mga kaibigan ko. Gulong-gulo naman ako kasi wala namang gulong nangyayari.

Although meron tao di ko alam kung kilala ba niya ko o ano, medyo binangga niya ko pero ang ginawa ko na lang umalis na lang ako.

“Kasi ilang beses na Akong nasangkot sa ganyan so I just became the bigger person and I just left pero one thing is for sure di ako nagsimula ng away wala namang bugbugan na nangyari,” paliwanag ng binata sa members ng press.

Dagdag pa ng leading man ni Jessy Mendiola sa Maria Mercedes na malapit nang magsimula sa Primetime Bida ng ABS-CBN, talagang umiiwas na siya ngayon sa mga ganyang klase ng gulo dahil alam niya na kahit maliit na insidente lang ang mangyari ay tiyak na mapapalaki dahil nga artista siya at kahit wala siyang kasalanan ay magiging isanf big issue ito kapag lumabas na sa media.

( Photo credit to Google )

Read more...