‘Karapatan ko pong magsalita, malaki ang ibinabayad kong tax!’

“NAGBABAYAD ako ng tax, karapatan kong magsalita. At walang sinuman ang puwedeng magsabi sa akin ng ‘shut up’!” ‘Yan ang matigas na pahayag ni Robin Padilla sa patuloy na pag-init ng issue tungkol sa pork barrel scam.

Kasabay nito, nanawagan si Binoe sa mga senador na sinasabing sangkot sa nasabing scam na pairalin ang kanilang delicadeza at agad nang mag-resign, partikular na tinukoy niya si Senate President Franklin Drilon matapos nga itong umamin na tumanggap siya ng milyun-milyong halaga ng government funds (pagkatapos ng impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona).

Marami ang na-shock sa nakitang post ni Binoe sa kanyang Instagram account (@robinhoodpadilla) kung saan makikita ang isang larawan ni Drilon na ikinabit sa katawan ng isang baboy.

Nilagyan ito ng caption ni Robin ng, “Ang dating DOJ secretary na nagpakulong sa akin dahil sa salang Kayabangan at pagiging mapusok.

Ngayon senador ipakita mo sa mga kabataang Pilipino ang delikadeza at karangalan na inyong sinumpaan kasama ng inyong tungkulin bilang boses at amain ng Inangbayan bilang pinakapinuno ng mataas na kapulungan hinihingi ng Mapayapang Rebolosyon ang inyong pagbibitiw at harapin ang paglilitis ng mga Anak ng Bayan.

Oras na para sa tunay na pagbabago at pagkapilipino.” Kung matatandaan, ang nasabing senador ang DOJ Secretary noong makulong si Robin sa kasong illegal possession of firearms (1995).

Pero sey ni Binoe, hindi ito paghihiganti. Nauna nang nilinaw ni Drilon na hindi suhol mula sa Malacañang ang tinanggap niyang milyones after ng conviction ni Corona.

Ginamit raw ang pondo sa pagpapatayo ng ilang infrastructure sa   Iloilo. Nilinaw naman ni Binoe na hindi siya ang gumawa ng larawan ni Drilon na kumalat sa internet, nakuha lang din daw niya ‘yun sa isang website at ginamit sa kanyang Instagram account.

At hindi lang naman daw para sa senador ang panagawan niya na mag-resign na sa posisyon. “Sa lahat ng mahal nating senador, palagay ko, ipakita lang natin yung ating pagka-Pilipino ngayon.

Ano ba ‘yon? Mag-resign tayo. Mag-resign tayo sa mga oras na ‘to,” mariin pang sabi ng aktor.

( Photo credit to Google )

Read more...