Miss World PH queens magkakaiba ang karanasan sa Kapaskuhan

Reigning Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol (kaliwa) at Miss World Philippines-Charity Cassandra Chan

Reigning Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol (kaliwa) at Miss World Philippines-Charity Cassandra Chan/ARMIN P. ADINA

 

IBA-IBA ang pinagmulan ng mga reyna ng Miss World Philippines pageant ngayon taon. Ibig sabihin, magkaakiba rin ang kanilang mga karanasan sa buhay, kabilang ang pagdiriwang ng Kapaskuhan kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Isinilang sa France si reigning Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol na may Pilipinang ina at Pranses na ama. Lumipat sila sa London, England, ngunit umuuwi rin sa Pilipinas paminsan-minsan. Mula naman sa isang pamilyang “Tsinoy” si Miss World Philippines-Charity Cassandra Bermeo Chan na kasalukuyang naninirahan sa San Juan City.

Ibinahagi ng dalawa sa Inquirer ang mga saloobin nila kaungay ng Kapaskuhan sa isang panayam sa Christmas tree lighting program ng Joy-Nostalg Hotel and Suites Manila sa Pasig City noong Nob. 16.

“I’ve always loved spending Christmas in the Philippines, and I always look forward to going to Bacolod, that’s where my lola is, and we call her Nanny,” ani Chan.

Sinabi rin ng ballerina na nagbabalak siyang magdiwang ng Pasko kapiling ang lola niyang hindi pa niya nakikita “for quite some time now.”

Ibinahagi rin ng dalawang reyna sa Inquirer na baka lumipad sila pareho sa Bacolod para sa Kapaskuhan. “We’re not sure yet, but that’s what we want to do,” ani Chan.

Reigning Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol (kaliwa) at Miss World Philippines-Charity Cassandra Chan/ARMIN P. ADINA

Samantala, ibinahagi naman ni Fourniol ang karanasan sa pamilya niya. “Seeing the French and Filipino Christmas sides, it has really been enlightening. And being able to spend it with both my families in the Philippines and France, I’m very, very grateful for that,” aniya.

Ikinagalak din ng dalawang reyna ang pagkuha ng hotel ng mga palamuti mula sa mga lokal na artisano, at pagbili ng parol na ginawa ng mga bilanggo sa San Juan City Jail.

Sinabi ni Fourniol na nilapitan siya ni Miss World Philippines Organization Vice President Ryan Ros Calmante upang maging espesyal ang pagpapailaw sa Christmas tree. “Them doing it in such an efficient way, showing the Filipino culture, and me being able to wear Filipiniana, I’m very grateful. Who doesn’t want to showcase their culture and the beauty of the Philippines?” aniya.

Ibinahagi naman ni Chan na nakadalaw na siya sa San Juan City Jail. “It’s very inspiring to showcase the Filipino heritage. Just having these inmates actually make it themselves, it gives them something to do and it gives them that Christmas spirit, which I think they need even more than we do now,” aniya.

Kasasalin lang ni Chan ng korona niya bilang Miss Chinatown ngayong buwan. Nasungkit niya ang titulo sa isang virtual competition na isinagawa noong 2020, isang patimpalak na sinalihan niya bago sumabak sa Miss World Philippines pageant.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ni Fourniol para sa ika-72 Miss World pageant. Wala pang opisyal na pahayag ang organisasyon kung kailan at saan talaga itatanghal ang pandaigdigang patimpalak.

Read more...