Ex-GF ni Sam Milby na si Mari Jasmine buntis na, ibinandera ang baby bump | Bandera

Ex-GF ni Sam Milby na si Mari Jasmine buntis na, ibinandera ang baby bump

Reggee Bonoan |November 15,2022
facebook
share this

Ex-GF ni Sam Milby na si Mari Jasmine buntis na, ibinandera ang baby bump

Reggee Bonoan - November 15, 2022 - 09:58 AM

Ex-GF ni Sam Milby na si Mari Jasmine buntis na, ibinandera ang baby bump

Mari Jasmine

NAG-POST ng kanyang baby bump sa Instagram ang vlogger-model na si Mari Jasmine habang may isang kamay na nakahawak sa maumbok niyang tiyan.

Ang caption na inilagay niya, “Our greatest adventure yet I spent years not knowing where life would take me but I’ve never been so sure that this is the path I was meant to be on. Can’t wait for the 3 of us to walk down the aisle!”

Engaged na si Mari Jasmine sa negosyanteng si Michael Concepcion na may-ari ng Welcome Worldwide na official franchisee ng Adidas Originals sa Pilipinas at Commonwealth boutique.

Matatandaang naging matunog noon ang pangalan ni Mari Jasmine dahil naging boyfriend niya ang singer-actor na si Sam Milby na hiniwalayan niya dahil na-involve sa direktor na si Samantha Lee na miyembro ng LGBTQIA+ community.

May mga kuha pang magkasama sa Pride Parade sina Mari Jasmine at Samantha.

Marami ang nanghinayang noon sa paghihiwalay nina Sam at Mari Jasmine pero sa kalaunan ay tinanggap na rin ito ng kani-kanilang mga fans.

View this post on Instagram

A post shared by Mari Jasmine (@marijasmine)

Hanggang sa nahiwalay na rin ang vlogger-model sa nakarelasyong direktor.

Taong 2021 ay nakarelasyon na ni Mari Jasmine si Michael Concepcion at ipinost niya ito sa kanyang IG account at may nag-comment ng hindi maganda kaya pinagsabihan niya ito.

Mula sa netizen na si @a_riz_canlas, “Finally lalaki na! Yessss!  (emoji clapping hands).”

Sinagot ito ni @marijasmine ng, “@riz_canlas this is very biphobic and rude.”

Ipinagtanggol din si Mari Jasmine ni @yourgirlmarielle, “@riz_canlas check your manner, sis.”

Anyway, sa website na naglabas ng larawan ni Mari Jasmine na ipinakita nito ang baby bump ay inaalam ng netizens kung siya ba ‘yung naging girlfriend ni Sam.

May nagsabing, “Bisexual pala sya, she’s gorgeous! Ganda ng mga gf ni Sam Milby ha!”

Sabi ng isa pang netizen, “Wait, siya ‘yung ex ni Sam Milby tapos after ng break-up nila nag-come out as LGBT di ba?”

Sinagot ito ng isa pang IG user ng, “Yeah, that’s her. Yes, she’s pretty no?”

Opinyon naman ng isang netizen, “Sometimes you would think na they’re just in a confused and hurt stage when they come out as bisexual after a break up. In the end, opposite sex din naman talaga ang gusto nila.”

Samantala, wala namang binanggit si Mari Jasmine kung ilang buwan na ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Jose Mari Chan may tips para sa mas epektib na pagreregalo sa Pasko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jose Mari Chan ‘reflection time’ ang Pasko; ‘Hero City Kids Force’ ipapalabas kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending