Ilongga kinoronahang Miss Teen International Philippines 2022

 

Miss Teen International Philippines Angel Jed Latorre, Iloilo

Miss Teen International Philippines Angel Jed Latorre, Iloilo/MISS TEEN INTERNATIONAL FACEBOOK PAGE

DINAIG ni Angel Jed Latorre mula Iloilo ang 14 iba pang kandidata para sa titulong 2022 Miss Teen International Philippines sa isang palatuntunang itinanghal sa Tanghalang Pasigueño sa Pasig City noong Nob. 12.

Miss Teen International Philippines Angel Jed Latorre, Iloilo/MISS TEEN INTERNATIONAL FACEBOOK PAGE

Dahil sa bago niayng titulo, si Latorre na ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa susunod na edisyon ng Miss Teen International pageant. Sa India naka-base ang patimpalak, at doon itinatanghal ang paligsahan taon-taon.

Hinirang namang first runner-up si Meredith Brena Anota mula sa Taguig City, habang second runner-up si Ancient Ramoness Trinity Tabora mula sa Bulacan.

First runner-up Meredith Brena Anota, Taguig/MISS TEEN INTERNATIONAL FACEBOOK PAGE

Third runner-up si Regine Gonzales mula sa Quezon Province, habang fourth runner-up naman si Maria Socorro Aspe mula sa Albay.

Huling idinaos nang live noong 2019, kinikilala ng Miss Teen International Philippines pageant ngayong taon ang mga pinagdaanan ng kabataang Pilipina sa panahon ng COVID-19 pandemic, at ginamit ang entabaldo upang makapagpahayag ng saloobin ang mga teenager na kandidata, at magpamalas din ng kanilang mga talento.

Second runner-up Ancient Ramoness Trinity Tabora, Bulacan/MISS TEEN INTERNATIONAL FACEBOOK PAGE

Kokoronahan din ng organisasyon, sa pamumuno ni national director Charlotte Dianco, ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Teen Earth, Miss Teen World, Miss Teen Model International, at Miss Teen Model Universe.

Hindi iginawad ang mga karagdagang titulo sa coronation night, at sa halip ay tatanggapin ng mga mapipiling tagapagmana sa isang hiwalay na okasyon.

Read more...