Bossing Vic, Pauleen solid na solid pa rin ang relasyon after 11 years; Tali super enjoy sa 5th princess-themed birthday party

Bossing Vic, Pauleen solid na solid pa rin ang relasyon after 11 years; Tali super enjoy sa 5th princess-themed birthday party

Pauleen Luna, Vic Sotto at Tali Sotto

SINIGURO ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna na magiging masaya, makulay at exciting ang 5th birthday ng nag-iisang anak nilang si Talitha Marie.

Kamakalawa, November 6, nag-celebrate nang bonggang-bongga si Tali ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya, ilang malalapit na kamag-anak at mga kaibigang bagets.

Sa mismong bakuran ng bahay nina Bossing at Poleng ginanap ang pastel princess-themed party ni Tali kung saan nakisaya ang mga batang imbitado sa inihandang games ng party organizers.

Nag-transform bilang isa kiddie playland ang bakuran nina Bossing with matching ball pit and inflatable bounce house. Nagkaroon din ng bonggang “pabunot” game para sa mga bagets.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Pauleen ang mga litrato mula sa party ni Tali from Nice Print Photography na may caption na, “Celebrated Tali’s 5th birthday yesterday.

“I think yesterday was the best day of her life! She was so happy and really enjoyed every minute of her party!

“It’s so nice pala to give kids this age a party because they show appreciation na.

“She kept on telling stories about what happened yesterday, thank you to everyone for making time to make my daughter happy,” aniya pa.


Ilan sa mga naging bisita ni Tali ay mga kapatid niya sa ama na sina Danica Sotto kasama ang asawang si Marc Pingris, at Oyo Sotto with wife Kristine Hermosa.

Sa naunang post ni Pauleen binati rin niya ang birthday girl, “Seeing you happy is priceless   your dad and I will always, always be here for you and we’ll guide you the best possible way we can!

“We are blessed to have a good and Godly child in you, Talitha! Happy birthday my love!” aniya pa.

Samantala, kahapon, November 7, nagdiwang naman sina Pauleen at Vic ng kanilang 11th anniversary as a couple.

Sa Instagram, nag-share si Poleng ng video kung saan mapapanood ang mga memorable moments nila ni Bossing together, kabilang na ang mga clips mula sa kasal nila anim na taon na ngayon ang nakararaan.

Gamit ang kantang “Baby I Love Your Way” ni Joseph Vincent, “My husband once sang this song for me and it’s stuck like glue.”

“11 years. Glad we followed our hearts. I love you babe. You and Tali are my biggest blessings!” mensahe pa niya.

Nagpakasal sina Bossing at Pauleen noong January, 2016 at hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang married life na hinulaan noon ng mga bashers na hindi raw magtatagal dahil sa agwat ng kanilang edad.

Bossing, Pauleen payag agad sa pag-aartista ni Tali: She’s very funny, nakakatawa siya at gusto talaga niya

Barbie Forteza, Jak Roberto 5 years nang magdyowa, netizens napa-wow

Pauleen, Bossing kinakarir ang paggawa ng 2nd baby: Gusto talaga naming magkaroon ng kapatid si Tali

Read more...