Aplikasyon sa Miss Universe Philippines simula na: Bring out the queen in you…

Aplikasyon sa Miss Universe Philippines simula na: Bring out the queen in you…

PHOTO: Instagram/@themissuniverseph

HINDI pa nakokoronahan ang bagong Miss Universe, pero the search is on na para sa magiging bagong mga kandidata ng Miss Universe Philippines para sa susunod na taon.

Ibinandera mismo ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang social media pages na nagsisimula na silang tumanggap ng mga bagong beauty queens.

Sey pa sa caption, “The most prestigious crown in the country can be yours for the taking.

“Bring out the queen in you as we open the application process for Miss Universe Philippines 2023.”

Nakalagay rin sa poster ang ilan sa mga qualifications na kanilang hinahanap at heto ang listahan:

 

Para sa mga interesado, may form daw na kailangang sagutin na ipapadala sa ibinigay na email address.

“Download and fill out this form (https://bit.ly/MUPH2023) and send the accomplished copy to contact@missuniverseph.com,” lahad sa post.

Ang application period ay hanggang January 29, 2023 lamang.

Si Celeste Cortesi ng Pasay ang kasalukuyang may hawak ng titulo at nakatakda siyang lumaban sa international stage ng Miss Universe sa Enero sa Amerika.

Samantala, Inanunsyo kamakailan lang na may bagong owner ang Miss Universe Organization (MUO) matapos ipagbili sa isang media and content conglomerate from Thailand.

Mula sa International Marketing Group (IMG), napunta na ang organisasyon sa Thai-owned conglomerate na JKN Global Group sa pamumuno ni Anne Jakapong Jakrajutatip.

Si Jakrajutatip ay isang Thai transgender woman at chief executive officer ng JKN.

Sa isang press conference, nangako si Anne na isusulong niya ang pagkakapantay-pantay at ang inclusivity sa pageant.

Read more:

Enjoyment ng manonood mahalaga sa bagong may-ari ng Miss Universe pageant

Miss Universe Organization pagmamay-ari na ng isang Thai-owned conglomerate: ‘Finally the universe is ours’

Miss Universe Spain 2022 Alicia Faubel ‘pusong pinoy’ pala

Read more...