Lovi Poe binansagang ‘Da Queen’ at ‘LPJ’; ‘Flower Of Evil’ magpapasabog na sa Primetime Bida ng ABS-CBN

Lovi Poe

GABI-GABI nang panggigigilan ang seryeng “Flower of Evil” nina Piolo Pascual, Paulo Avelino at Lovi Poe  dahil mapapanood na ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Nobyembre 7.

Ang “Flower of Evil” ang napakabonggang Philippine adaptation ng South Korean suspense drama at eere na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 p.m..

Kasama rin sa serye sina JC de Vera, Denise Laurel, Agot Isidro, Joem Bascon, Joross Gamboa, Rita Avila, Jett Pangan at Edu Manzano.

Umiikot ang kwento ng serye sa mag-asawang Daniel (Piolo), isang metal craftsman, at Iris (Lovi), isang pulis.

Mayayanig ang kanilang mundo nang mapunta kay Iris ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado sa masalimuot na nakaraan ni Daniel.

Mas titindi pa ang mga rebelasyon dahil sa misteryosong karakter ni Paulo na si Jacob. Ano-ano ang mga sikretong inililihim nila sa isa’t isa?

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood ang tinaguriang Supreme Actress sa Primetime Bida mula nang siya’y maging Kapamilya.

In fairness, nang umere ang naturang serye sa Viu
channel, talagang umani siya ng mga papuri sa pagganap bilang si Iris Castillo-del Rosario. Bumilib din ang viewers sa mga action scenes ng dalaga.

“At least for the duration of this series I fulfilled my dream of being an Action Queen,” ani Lovi.

Sa katunayan, ang tawag na sa kanya ng mga kasamahan niya sa nasabing programa ay “LPJ” at “DA Queen” na tumutukoy sa kanyang amang Action King na si FPJ o Fernando Poe, Jr..


“I really enjoyed having that illusion, even if it was just the duration of the taping of the series,” aniya pa.

Kinarir talaga ni Lovi ang pagganap bilang isang police detective at siya talaga mismo gumawa ng kanyang stunts sa mga maaaksyong eksena lalo na sa mga buwis-buhay na fight scenes

“I’m really proud of our show, and I hope that the television viewers will love it as well.I am truly
grateful for having the best production staff, directors
and a wonderful cast.

“I truly loved working with all my co actors in the show because they were all extremely dedicated to the project.

“Piolo Pascual, my leading man, who did his best and was very supportive and encouraging, and so were Paulo Avelino who delivered a great performance as the root of all evil, the same goes for the rest of my co-stars,” aniya pa.

Nakatakdang bumalik ng bansa si Lovi ngayong darating na Miyerkules mula sa Amerika kung saan naging bahagi siya ng “ASAP Natin To” na ginanap sa Orleans Arena sa Las Vegas.

Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Read more...