Fans ‘worried’ kay Blackpink Jisoo dahil sa bukol umano sa leeg, talent agency nilinaw ang isyu

Fans ‘worried’ kay Blackpink Jisoo dahil sa bukol umano sa leeg, talent agency nilinaw ang isyu

USAP-USAPAN sa social media ang K-Pop girl group Blackpink member na si Jisoo dahil pinangangambahan ng maraming fans ang kanyang kalusugan.

Kumakalat kasi ngayon ang ilang litrato ng singer na may bukol umano sa leeg.

Kaagad namang umaksyon ang talent agency ng Blackpink na “YG Entertainment” at naglabas ng pahayag na sinasabing malusog naman ang K-Pop star.

“Jisoo is doing well during BLACKPINK’s world tour schedule. There are no problems with her health,” sey ng talent agency.

Narito ang ilan sa mga post ng netizens at fans tungkol sa health issue ni Jisoo.

Sey sa isang tweet, “I REALLY! scared about Jisoo’s health, a hope that nothing serious… I had problems with lymph nodes last year as well, which periodically caused discomfort, so…”

Saad naman ng isang netizen, “Y’all are sick for diagnosing jisoo’s condition.

“I have the same thing on my neck everytime i feel exhausted or there’s a virus on my body, but that’s just how my immune system fights the virus.

“Y’all can simply wish the best for her health without talking nonsense.”

May fan pang nagsabi na dati na niyang nakikita ang bukol ni Jisoo at siya raw ay nababahala.

Sabi sa post, “That lumps already appeared several years ago and I really worried about it.

“I’m glad there’s an official statement about Jisoo’s health and I’m happy to know that’s not a serious problem.”

Kasalukuyang nasa North America ang Blackpink dahil sa kanilang “BORN PINK” world tour.

Magkakaroon din sila ng concert sa Pilipinas na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa March 25 at 26 sa susunod na taon.

Read more:

Vicki Belo level-up ang pagiging K-pop fan, kinarir ang panggagaya sa 4 na miyembro ng Blackpink: ‘How did I do #Blinks?’

BLACKPINK Rose hindi rin pinatawad ng COVID-19, nagpositibo kahit bakunado na

Ivana Alawi pasok sa Top 5 ng ‘100 Most Beautiful Faces 2021’, Blackpink Lisa No. 1 sa listahan

Read more...