Julie Anne ipinadama ang diwa ng Pasko sa ‘Love is Us this Christmas’ lyric video ng GMA; bagay na bagay na Maria Clara

ulie Anne ipinadama ang diwa ng Pasko sa 'Love is Us this Christmas' lyric video ng GMA; bagay na bagay na Maria Clara

Julie Anne San Jose

CERTIFIED LSS (last song syndrome) ang lyric video ng Christmas Station ID 2022 na ni-release ng GMA Network sa social media nitong nakaraang Linggo, October 23.

Powerhouse talaga ang lyric video kasama ang mga pambatong singers ng Kapuso Network. With matching upbeat music at inspiring lyrics, damang-dama na ang diwa ng pasko at mapapasayaw ka pa sa “Love is Us this Christmas.”

“Punuin ang paligid ng pag-ibig dahil tayo ang ilaw ng daigdig,” iyan ang mensahe ng mga Kapuso ngayong Kapaskuhan.

Puring-puri naman ng netizens ang bagong GMA Christmas Station ID jingle. Ayon sa ilang commenters sa GMA Network YouTube channel, inspiring at talagang tagos sa puso ang “Love is Us this Christmas.”

“This song is giving hope to every Filipino. Another thing I like about this is that their smiles are so genuine. Kudos to all the brilliant minds and talents behind every year’s jingle. Way to go, GMA!” ang isa sa mga comments na nabasa namin.

Bukod sa magandang message ng awitin, tuwang-tuwa rin ang fans sa husay ng Kapuso singers. Sabi ng isang netizen, “Ang ganda na upbeat ‘yung 1st part ng song then nag-iba sa 2nd part like choral which we all know na GMA singers are really good in blending and it makes the CSID a balance of classical and pop. You will really feel the Christmas season!”

CSID lyric video pa lang ‘yan, ha! Kaya mas lalong kaabang-abang ang full-length Christmas Station ID ng GMA ngayong taon na mapapanood na very soon.

Panoorin ang latest “Love is Us this Christmas” Lyric Video sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

* * *

Isa sa mga Kapuso singers na bidang-bida sa Christmas Station ID ng GMA ay ang Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

Pinabilib na naman niya ang Kapuso fans dahil sa kanyang walang kupas na vocal prowess.


“As always, Julie nailed the song. I keep repeating the high notes part of Julie Anne because her voice is so soothing. Very beautiful at blooming,” sey ng isang netizen.

Maliban sa pagkanta, gabi-gabi rin niyang ipinapakita ang galing sa pag-arte bilang si Maria Clara sa hit primetime show na “Maria Clara at Ibarra.’ Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.

Marami ang nagsasabing bagay na bagay sa dalaga ang bago niyang role sa nasabing hit GMA series kung saan kasama rin niya ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at ang Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Ngayon pa nga lang ay marami na ang nare-request na sana’y pahabain pa ang “Maria Clara at Ibarra” dahil sa taas ng rating nito gabi-gabi bukod pa sa marami talaga ang naaadik sa kuwento nito.

Andrea, Seth, Kyle, AC magpapasabog ng kilig at good vibes sa ‘Lyric And Beat’; bakit na-shookt si Jonathan Manalo?

Sexy star natagusan habang nasa lock-in taping, ipinalinis sa personal alalay

AC Bonifacio may inamin sa loveteam nila ni Darren Espanto sa ‘Lyric And Beat’: Sobrang kilig ko po talaga!

Read more...