Aga Muhlach, Maine Mendoza, Catriona Gray, K Brosas lalaban sa 27th Asian Television Awards

MARAMING Kapatid programs at mga orihinal na istorya mula sa Cignal TV productions ang nakasama sa listahan ng Philippine finalists sa iba’t ibang kategorya para sa 27th Asian Television Awards.

Ang balitang ito ay kamakailan lamang inihayag ng prestihiyosong award-giving body na kinikilala at ginagantimpalaan ang mga mahuhusay na TV production sa Asia-Pacific region.

Ang mga mananalo ay papangalanan sa dalawang araw na awarding ceremony na gaganapin sa Maynila ngayong Disyembre 1 at Singapore ngayong Disyembre 8.

Nangunguna sa listahan ng TV5 at Cignal TV nominees ang Cignal Entertainment offerings na ang Sing Galing para sa “Best General Entertainment Programme”, Sing Galing Sing-Lebrity Edition para sa “Best Music Programme,” at Lakwatsika para sa “Best Theme Song.”

Nabigyan din si Aga Muhlach ng “Best Actor in a Leading Role” nomination para sa kanyang pagganap sa movieserye na Suntok Sa Buwan.

Habang ang komedyanteng si K Brosas ay na-nominate para sa “Best Entertainment Presenter/Host” bilang ‘Sing Master’ ng Sing Galing, kasama si Maine Mendoza para sa kanyang unang hosting stint sa travel show ng BuKo Channel na #MaineGoals.

Kabilang sa iba pang kilalang nominasyon ang P-pop reality search na Top Class at ang host nitong si Catriona Gray; at 2022 Station ID ng TV5, “Iba ang Saya ‘Pag Sama-Sama.”

Narito ang buong listahan ng TV5 at Cignal TV nominations para sa 27th Asian TV Awards:

Best Original Digital Entertainment Programme – Top Class: The Rise to P-Pop Stardom

Best Host/Presenter – Digital – Catriona Gray, Top Class: The Rise to P-Pop Stardom

Best Entertainment Presenter/Host – K Brosas, Sing Galing; Maine Mendoza, #MaineGoals

Best Actor in a Leading Role – Aga Muhlach, Suntok Sa Buwan

Best Theme Song – Lakwatsika

Best Comedy Programme – BalitaOneNan

Best General Entertainment Programme – Sing Galing

Best Music Programme – Sing Galing: SingLebrity Edition

Best Infotainment Programme – Rated Korina

Best Live Sports Coverage – UP vs Ateneo Finals Game 3, UAAP Season 84: Men’s Basketball

Best Sports Programme – The Game

Best Music Video – TV5, Iba ang Saya ‘Pag Sama-Sama

Read more:

Imee Marcos pinanumpa ang mga opisyal ng SPEEd; tuloy ang pagbibigay ng awards sa The EDDYS

Maymay Entrata ‘kabogera’ sa MTV Europe Music Awards

Bagong show ni Boy Abunda sa GMA tuloy na nga ba; Bretman Rock, Michael Cinco, Alex Eala pinarangalan sa TOFA Awards

Read more...