Vince Tañada ipangtutulong ang kinita ng ‘Katips’ sa nasalanta ng bagyong Paeng

Vince Tañada ipangtutulong ang kinita ng 'Katips' sa nasalanta ng bagyong Paeng

NANGAKO ang award-winning writer and director ng “Katips” na si Atty. Vince Tañada na magpapaabot ang kanyang team at ang mga bumubuo sa pelikula ng tulong sa mga residente ng Cotabato na apektado ng bagyong Paeng.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang aerial view ng kalunos-lunos na itsura ng Cotabato na halos magkulay putik na sa sobrang lala ng pagbaha.

“We will mobilize our benefactors and collate some of our resources from the #KatipsTheMovie profits to help out our Kababayans in Cotabato,” saad ni Atty. Tañada.

Giit pa niya, kahit hindi raw nanalo sa lugar na ito si dating Vice President Leni Robredo noong nagdaang eleksyon ay magpapaabot pa rin ito ng tulong.

“Leni Robredo lost big time in this region. But it is not a matter of political affiliations now. All of us are Filipinos and we’re all in this together. We will help,” dagdag pa ni Atty. Tañada.

Makikita rin sa post nito ang mga hashtag na “#CotabatoNeedsHelp” at “#PaengPH”.

Marami naman sa mga netizens ang napabilib sa kabutihang puso ni Atty. Tañada.

“Thank you Sir Vince for helping our Kababayan. No matter what opinion others may have, bottomline is Tayo ay nakatulong. We encourage others na tumulong na din sa ating mga kababayan and stop spitting useless statement. Thank you,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Thank you so much for your kindness, Atty. Vince Tañada! God bless you more po!”

“God bless po sa inyo Atty. may puso at malasakit sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ngayon,” sey naman ng isa.

Wala namang sinabi si Atty. Tañada kung ilang porsyento ng kinita ng pelikula ang ibibigay at ilalaan nito sa pagtulong sa mga apektadong residente ng Cotabato at ng ilan pang lugar na sinalanta ng bagyong Paeng.

Samantala, kasalikuyang nasa ibang bansa ang team ng pelikulang “Katips” para sa kanilang world tour.

Related Chika:
Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino

Vince Tañada sa mga nagsasabing ‘dilawan’ ang FAMAS, Harvard, at Nobel Piece Prize: Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo

Vince Tañada inilaban na mapanood sa mas maraming sinehan ang ‘Katips’

Martial Law movie na ‘Katips’ humakot ng trophy sa FAMAS 2022; Vince Tañada tinuhog ang best actor at best director awards

Read more...