Wil Dasovich takot na takot, nahimatay sa ‘extreme challenge’ sa Switzerland: I never felt this amount of fear…

Wil Dasovich takot na takot, nahimatay sa ‘extreme challenge’ sa Switzerland: I never felt this amount of fear…

PHOTO: Screengrab from Wil Dasovich’s Instagram video

HINIMATAY sa isang “extreme challenge” ang social media star na si Wil Dasovich sa Switzerland.

‘Yan ay matapos niyang subukan ang mag-bungee jumping sa “Verzasca Dam,” ang binansagang “most famous and largest Bungee Jump in the world” na mayroong 200 na metro na taas, pero aabot lang ng pitong segundo ang pagbagsak.

Ibinandera mismo ni Wil ang kanyang naranasan sa isang Instagram video at mapapanood pa rito kung paano siya nag-blackout sa kalagitnaan ng kanyang pagtalon.

Sabi pa niya, ito ang unang beses na siya’y nahimatay na walang kaugnayan sa pag-inom ng alkohol.

Caption niya, “The mid air blackout. 1st time I’ve ever blacked out without the involvement of alcohol!”

Umamin din ang vlogger na ngayon lang daw siya sobrang natakot sa buong buhay niya.

Sey ni Wil, “I didn’t know it was possible to be so scared that your brain literally crashes like a hard drive & stops working (aka sensory overload).

“Of all the crazy things I’ve done, I never felt this amount of fear compressed into one split moment.

“I want to do this again and be present for the next experience.”

May pa-fun fact pa si Wil sa kanyang post at sinabing sa sobrang sikat ng Verzasca Dam ay na-feature din daw ito sa James Bond film na “GoldenEye” noong 1995.

“The most famous bungee jump in the world as seen in the movie Goldeneye,” lahad niya sa IG post.

Maraming kapwa-celebrities ang napahanga ni Wil sa kanyang video gaya nina Nico Bolzico, Dominic Roque at Troy Montero.

Kamakailan lang ay si Wil ang naging kampeon ng “World Vlog Challenge” na naganap sa Nepal.

Nirepresenta niya ang Pilipinas at natalo niya ang iba pang content creators na mula sa ibang bansa gaya ng India, Colombia, Amerika, at Thailand.

Ang nasabing patimpalak ay para sa kampanyang tinatalakay ang masamang epekto ng climate change sa “Himalayan glaciers.”

Read more:

Wil Dasovich pinatulan ang netizen na nagsabing ‘If you have no Jesus you’ll die and suffer in hell’

Wil Dasovich winner sa ‘World Vlog Challenge’ ng Nepal: We did it! Mission accomplished!

Payo ni Erwan Heussaff sa pagiging single ni Wil Dasovich sa edad na 30: Do crazy things…you’re still super young

Read more...