Bb. Pilipinas Roberta Tamondong handang ‘tumambling’ para sa korona

Bb. Pilipinas Roberta Tamondong handang ‘tumambling’ para sa korona

Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong/ARMIN P. ADINA

WALA pang Pilipinang nakasusungkit ng korona sa Miss Grand International pageant, at umaasa si Binibining Pilipinas Roberta Tamondong na siya ang magiging unang reyna mula sa Pilipinas.

“I’m going to do whatever it takes, kahit tumambling pa ako, to bring home that crown and give honor and pride to our country,” pabiro niyang sinabi sa Inquirer sa isang panayam sa send-off press conference na ipinatawag ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para sa kanya at mga kapwa reynang sina Gabrielle Basiano at Chelsea Fernandez sa Novotel Manila Araneta City bago sila tumulak sa kani-kanilang international pageants.

Back-to-back ang naging misyon nina Basiano at Fernandez sapagkat mga predecessor nila sa Bb. Pilipinas sina 2021 Miss Intercontinental Cinderella Faye Obeñita at 2021 Miss Globe Maureen Montagne.

Nagtapos si Basiano sa Top 20 ng 2022 Miss Intercontinental pageant sa Egypt, habang nakapasok naman sa Top 15 at hinirang na winner sa “head-to-head challenge” sa 2022 Miss Globe contest sa Albania si Fernandez.

Sinabi ni Tamondong sa Inquirer na, “I’m a person who’s very dedicated, very eager to reach her dreams. One of my dreams is to bag us the first ever crown at Miss Grand International.”

Hindi na bago para sa kanya ang maging unang Pilipinang reyna ng isang international pageant. Noong 2020, ibinigay niya sa Pilipinas ang una nitong panalo sa Miss Eco Teen International contest sa Egypt.

Para sa 2022 Miss Grand International pageant, makakalaban ni Tamondong ang 67 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang bansa. Itatanghal ang coronation night sa Jakarta, Indonesia, sa Okt. 25.

Pinakamataas na puwestong nakamit ng Pilipinas ang first runner-up na nakuha nina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.

Read more...