Fil-Am actress Sumalee Montano bidang-bida sa bagong Hollywood movie: ‘What a surreal feeling…’

Filipino-American actress Sumalee Montano

Filipino-American actress Sumalee Montano

TALAGA nga namang pang-”world class” ang talentong pinoy at pinatunayan ‘yan ng Filipino-American actress na si Sumalee Montano matapos bumida sa hollywood film na “The Deal.”

Ginampanan ng 50-anyos na Fil-Am actress ang karakter ni Tala Bayan, isang ina na sinisikap iligtas ang buhay ng kanyang anak na may sakit matapos magkaroon ng pandemya sa mundo.

Sey sa isang Twitter post, “What happens after the virus mutates to kill humans, animals and crops? After the planet is ravaged by climate disaster? That’s where ‘The Deal’ starts.”

Ilan sa mga nakasama ni Montana sa pelikula ay sina Emma Fischer, Lisa Brenner, at Taz Skylar.

Bukod sa pagiging bida, ibinahagi rin ni Montano sa isang social media post na isa siya sa mga nag co-producer at na co-write sa paggawa ng pelikula.

Nakuwento niya rin na limang taon ginawa ang “The Deal” at “inspired” ang kwento nito base sa naging relasyon niya at ng kanyang pinay na nanay na namayapa noong 2014.

Chika niya sa Tweet, “I can’t quite believe I’m sitting at home on a Friday night watching a movie I conceived of, produced, and acted in.

“A love song to my mother.

“Five years in the making.

“What a surreal feeling.”

“The Deal,” directed by Hungarian filmmaker Orsi Nagypal, premiered last September and is available for streaming on American streaming service The Roku Channel.

Ang “The Deal” ay mula sa direksyon ng Hungarian filmmaker na si Orsi Nagypal at prinoduce naman ng American producer na si Dean Devlin.

Kilala si Devlin dahil sa

siya rin ang nag-produce ng ilang sikat at blockbuster hollywood films tulad ng “Independence Day” at “Godzilla.”

Inanunsyo naman ni Devlin na napabilang sa “official selection” ng  “Trieste Science + Fiction Festival” ngayong taon sa Italy ang pelikula.

Sey niya sa Instagram post, “Amazing news!! Congratulations to our film #thedeal on becoming an Official Selection of the 2022 Trieste Science + Fiction Festival!”

Streaming ang “The Deal” sa American streaming service na “The Roku Channel.”

Read more:

Winwyn Marquez, Rita Daniela wagi sa 12th Int’l Film Festival Manhattan: ‘Grabe lang ang timing ni God’

‘Daluyong’ Grand Prix winner sa 2022 MBC Short Film Festival; ‘Kambalingan’ itinanghal na Best Docu

15 pelikulang pumasok sa final round ng 2022 MBC Short Film Festival ibinandera na

Read more...