Winwyn Marquez, Rita Daniela wagi sa 12th Int’l Film Festival Manhattan: ‘Grabe lang ang timing ni God’

Winwyn Marquez, Rita Daniela

Winwyn Marquez, Rita Daniela (PHOTOS from Instagram)

PANG international naman pala talaga ang beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez.

Dahil ang kanyang kauna-unahang “acting award” sa labing dalawang taon sa showbiz industry ay nakuha pa niya sa Amerika!

O di ba, ibang level naman pala.

Nanalo siyang best actress sa 12th International Film Festival Manhattan  o IFFM sa Amerika para sa kanyang pagbida sa suspense thriller film na “Nelia.”

Ang pelikula ay umiikot sa kwento ng isang nurse na sinusubukang tuklasan ang misteryosong pagkamatay ng mga pasyente sa isang room sa ospital na kanyang pinagtatrabahuhan.

Kahit ang queen-actress, hindi makapaniwala at labis ang tuwa sa kanyang na-achieve.

Ibinandera niya sa Instagram ang isang mahabang message kalakip ang isang TikTok dance video niya.

Sabi pa niya sa Instagram, “I still can’t believe I won Best Actress in a Feature Film!”

Ikinagagalak daw niya na nabigyan ng pansin ang talento ng mga pinoy sa nasbaing film festival.

Sey niya, “I want to express my gratitude to everyone behind the International Film Festival Manhattan for giving me this award – it is truly an honor.”

“Our movie Nelia means so much to me and to be recognized as an actress is a dream come true,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumubuo sa kanyang pelikula.

“I would also like to Thank my Nelia family, our Director – Lester Dimaranan, the whole cast and crew, and most especially our producers Atty. Aldwyn Alegre and Atty. Honey Quiño of A&Q productions @aqprimestream for always believing in my capabilities and for giving me so much support and trust.

“This award is a win not only for me but for everyone behind Nelia,” aniya.

Bukod kay Winwyn, panalo rin sa kaparehong film festival ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na naiuwi naman ang “The Jurize Prize” para sa kanyang Feature Film na “Huling Ulan sa Tag-Araw.”

Ang good news ay proud na ibinendera sa social media post ng “Sparkle GMA Artist Center” at masayang sinabi na sunod-sunod ang biyaya ng aktres.

“With her latest international award and a baby on the way, seems like blessings are really pouring in for our girl! Congratulations Rita,”sey sa caption.

Nangyari ang “awarding ceremony” ng IFFM sa New York City noong Huwebes, Oct. 13.

Read more:

Rita Daniela lalaki ang magiging panganay na anak: My boy, you are an answered prayer…

Winwyn Marquez may pa-face reveal ng non-showbiz fiancé sa binyag ni Baby Luna

Winwyn bilang nanay: Nakaka-miss yung hawak ang sarili mong oras pero hindi ko ipagpapalit yung time ko ngayon kay Luna

Read more...