Pagkapanalo ni MITOY sa THE VOICE ipinrotesta

Mas marami kaming naririnig na kanegahang komento kesa sa magaganda sa naging resulta ng The Voice of the Philippines noong Linggo ng gabi. Hindi nila gusto ang itinanghal na grand winner sa nasabing singing contest.

Ang 43-anyos na beteranong band vocalist na si Mitoy Yonting ng Team Lea ang nagwagi sa final showdown ng The Voice. Tinalo niya si Klarisse de Guzman mula sa Team Sarah.

Ako, inaamin ko, ayoko kay Mitoy dahil ang bet ko talaga ay si Morisette ng Team Sarah. Pero hindi nga siya napasama sa final 4. Pero wala na tayong magagawa, di ba? Ha-hahaha!

“Masayang masaya po ako. Pinagpala ako ngayong araw na ito. Maraming salamat sa Diyos at sa mga gumastos ng load,” ani Mitoy.

Sabi naman ni coach Lea, “Ang nanay ko, kapag nanalo ako ng something, feeling niya nanalo din siya kasi may pinaghirapan din siya. Parang may nanalo ding anak ko na may ginawa siyang maganda.

That’s how it feels.” Umuwi ring luhaan sina Janice Javier ng Team Apl at Myk Perez ng Team Bamboo.

Read more...