Bandera Editorial
NAKATATAAS ng kilay ang payo ni Executive Secretary Leandro Mendoza sa papasok na executive secretary, Atty. Paquito Ochoa Jr., na pinag-iingat ito sa mga intriga sa Malacanang.
Ganoon ha? Di ba’t iba ang mga intriga sa panunungkulan ni Pangulong Arroyo? Sa naudlot na termino ni Joseph Estrada? Sa panahon ng diktadirya, atbp.?
Hindi na sana binanggit ito ni Mendoza. Hindi na sana nagpayo si Mendoza. Dahil ang intriga ay bahagi na ng mga dingding sa Malacanang at nagsasalita ang mga pader sa Palasyo kaya nadidinig ng taumbayan ang mga intriga ng bawat nakaluklok na lider.
Kapag isinalin sa ibang kaanyuan, lumalabas na tigib ng intriga ang gobyerno ni Arroyo (maaaring pagtawanan, kutyain at pandirihan; pero ang puno’t dulo ay intriga pa rin, na kabuhayan ng mga tsismosa).
O abangan na lamang ang uri ng intriga sa susunod na administrasyon?
Bandera, Philippine politics, 060210