Sharon Cuneta nangungulila kay Regine Velasquez: ‘I love you Nana ko, I miss you super talaga’

Regine Velasquez-Alcasid, Sharon Cuneta

Regine Velasquez-Alcasid, Sharon Cuneta (PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta)

MAY pagka-”clingy” pala si Megastar Sharon Cuneta sa itinuturing niyang “Nana,” ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ibinandera pa nga ni Sharon sa kanyang latest Instagram post kung gaano siya nalulungkot dahil hindi niya kasama ngayon si Regine.

Sey pa ni Sharon, “Super miss ko talaga siya.

“Nung nagre-rehearse ako, ginagawa namin ni Sushi ‘yung parts mo.”

Kahit abala sa paghahanda sa concert sa Australia ang beteranang singer ay nagawa pa niyang maglambing sa kanyang matalik na kaibigan.

Sey pa niya, “Love you, Nana. I will drink water for you.”

Sa caption naman ng kanyang video ay ikinuwento ni Sharon kung bakit niya naisipang mag-video message para kay Regine.

Chika niya na panay “message” ang kanyang Nana upang paalalahan siya sa pag-inom ng tubig.

Imbes na replyan ito, gumawa nalang siya ng video.

Sabi sa caption, “Sent my Nana some video messages while getting ready for my concert in Adelaide earlier tonight.”

Saad pa niya, “Told her how much I was missing her and her encouragement and that she is my security blanket now also.

“She messaged me back saying to please not forget to drink water often and told B to keep reminding me too and to keep ‘waking me up’ pag natutulala ako.”

Kasalukuyang nasa Australia si Sharon para sa kaniyang “Love, Sharon” concert tour.

Nitong October 15 ay nakapagtanghal na siya sa Adelaide.

Nakatakda rin siyang magtungo sa Perth para mag-concert sa October 22.

Meron din siya sa Sydney sa October 28 at Melbourne sa October 29.

Read more:

Sharon ipinakilala ang ‘anak’ na nakatakas sa Congo: I’m so happy to be your Mama in the Philippines!

Sharon Cuneta nilait-lait ng mga Koreano, latest vlog nasa South Korean news site

Resbak ni Sharon sa tumawag sa kanya ng ‘feeling entitled’ at ‘ipokrita’: Judgmental na naman? Haaayyyy, mema lang!

Read more...