Gretchen Fullido lumabas ang tunay na ugali: Bungisngis talaga kasi akong tao…
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Grtechen Fullido
CERTIFIED pet lover ang anchor ng “Star Patrol” sa “TV Patrol” na si Gretchen Fullido kaya abut-abot ang pasalamat niya sa veterinarian nagpaanak sa kanyang Chihuahua na si Khaleesi.
Ipinost ni Gretchen ang larawan ng dalawa niyang bagong alaga sa kanyang Instagram account.
Aniya sa caption, “My heart is full! Meet Khaleesi’s new puppies! It’s a girl & a boy! What should I name them?
“Thank you @docracky for safely delivering them via CS & thanks doc @kathleengayl for Khaleesi’s ultrasound & check up.
“I trust @mountsinai_veterinarypractice when it comes to the health of all my doggie babies,” sabi pa niya.
Samantala, hindi lang sa “TV Patrol” mapapanood si Grechen dahil mapapanood na rin siya sa Pie Channel via #BgyPieSilog mula Lunes hanggang Sabado, 10 a.m..
Aniya, “Looking for a job, price watch & weather updates, life hacks & tips and all the information you need to know, you can find it all here sa ‘Eto Na Nga’ as we give you practical public service updates that will help you get thru your daily life on #brgypiesilog on @iampieofficial every Monday to Saturday at 10am to 12nn! See you mga Kabrunchkada!”
Ayon pa kay Greta sa ginanap na Pie Channel mediacon, “I’m very honored to be part of Barangay PIE Silog. First time kong mapasama sa isang show na ganito. From TV Patrol na nakikita n’yo, dito nakakatawa ako with my katroPies.
“Sa November kasi magtu-12 years na ako as Star Patroller and hindi ko talaga (napapakita) ’yong real self ko which is bungisngis talaga akong tao.
“E, dito sa PIE, lumabas ’yon lalo na kapag kasama mo si Mayor TV, si Mayora, si Abbie at si Tristan. And even nu’ng time pa lang na nag-script reading kami, practice-practice. Wala, automatic, e. I feel at home talaga. ’Yong real self ko lumabas.”
“So ngayon, pag nagti-TV Patrol, doon ako nagko-control. ‘Wag kang galawgaw!’ Kasi dito ang galawgaw ko. Ha-hahaha! Tapos ang sinasabi naman nila dito sa Barangay PIE Silog, ‘Hoy, galaw ka naman.’ Kasi nag-a-adjust pa ako. Hinahanap ko ’yong timpla,” paglalarawan ni Gretchen.
Makakasama ni Gretchen sina Tristan Ramirez, Abby Trinidad, Omar Punzalan, and Frances Cabatuando, sa morning show na Barangay PIE Silog from Monday to Saturday sa Channel 31, PIE Channel on YouTube.