Sulat mula kay Alexei, ng Kauswagan, Lanao
del Norte
Dear Sir Greenfield,
Mahina nga ba ang aking sex appeal? Sa edad kong 29 na, hindi pa ako nakatitikim ng lalaki. Masakit mang aminin, lungkut na lungkot na ako. Ang sabi ng amiga ko ay wala raw akong dating sa lalaki. Parang ibig ko nang maniwala. Siguro totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko kahit may hitshura naman daw ako mahina raw ang sex appeal ko kaya bihira lang ang manliligaw ko. Gusto ko na pong magka-boyfriend kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Kailan po ba ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sana ay matulungan ninyo ako kung kailan ako magkakaboyfriend, dahil sa larangan ng pag-ibig may karapatan din naman akong lumigaya at ayaw kong tumandang dalaga.
Umaasa,
Alexei, ng Kauswagan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taon 2014, sa buwan ng Enero hanggang Marso tiyak ang magaganap, isang kayumanggi at guwapong lalaki ng magiging boyfriend mo.
Itutuloy….
Mahinang sex appeal?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...