2 anak ni RAYMART nanganganib daw sa poder ni CLAUDINE

Tila labanan ng PASABOG ang ex-couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.Hindi pa tapos ang laban ng dalawa kaya nobody will ever be able to decide kung sino ang may pinakamatindinng ATOMIC BOMB na pinasabog but judging on the way the ex-couple handled their controversial court drama ay nakatitiyak kaming kaabang-abang ang mga susunod na kabanata.

When we saw the photo of Raymart with bruises and all, harap at likod ay nalungkot kami for him. Here’s an actor, a former action star at that, who let the public got a glimpse of his katawan na merong mga galos at sugat just so he could prove something in the court.

The pictures of Claudine na hindi malaman kung nagda-drugs or what, is also a nakakaawang eksena. Can you imagine what the two are capable to show to the public once this marital drama reached feverish pitch?

As it is ay tila nagsisimula pa lang ang dalawa sa kanilang battle. Marami pang aabangan ang publiko. Actually, ang talo rito ay hindi si Raymart o si Claudine kundi ang kanilang mga anak. Do we need to explain why?

Ang sabi ni Raymart, natatakot lang daw siya para sa kaligtasan ng mga anak na sina Sabina at Santino na nasa pangangalaga ng kanyang ex-wife.

Sey ni Raymart, kung sakaling makikita siya ng kanyang mga anak, “Ang magiging role ko, nanay-tatay.” Ang balita namin, hindi pakakabog si Claudine sa pasabog ni Raymart.

Siyempre, meron din siyang explosive revelations. Si Claudine, pakakabog? Siyempre hindi!  Actually, she already knew yata what Raymart will exposed kaya sa kanya ay wala na itong dating.

Let’s just see what’s Claudine’s next bomb will be against her former husband.

( Photo credit to Google )

Read more...