Ice Seguerra maraming natutunan kay Bossing pagdating sa babae; binabanatan ang mga kanta ni Regine kapag lasing

Ice Seguerra maraming natutunan kay Bossing pagdating sa babae; binabanatan ang mga kanta ni Regine kapag lasing

Ice Seguerra, Regine Velasquez at Vic Sotto

PABONGGA nang pabongga ang listahan ng mga special guests ng OPM icon na si Ice Seguerra para sa kanyang 35th anniversary concert na “Becoming Ice.”

Bukod sa mga award-winning at legendary Filipino artists na sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Chito Miranda, nadagdag pa sa mga makaka-jamming ni Ice sa kanyang comeback show sina Bossing Vic Sotto at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Ibinahagi ng asawa ni Liza Diño sa kanyang Facebook account ang mga litrato nina Vic at Regine kalakip ang kanyang madamdaming mensahe para sa mga ito.

“Si Tito Vic…

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kasi ang dami kong gustong sabihin. I literally grew up alongside this man. Mula Little Miss Philippines ngayon, yung pagmamahal niya sa akin hindi nagbago,” ang panimulang bahagi ng FB status ni Ice.

“Our relationship far exceeded what you saw on television. Pakiramdam ko, tatay ko talaga siya. Noong bata ako, sa bahay niya ako nag spend ng weekends kasama ng iba niyang kids.

“He taught me how to play the guitar during breaks ng taping ng Ok Ka Fairy Ko, siya rin nagturo sa akin mag Tong its (para daw may kalaro siya).

“Sa kanya rin ako natuto ng style pagdating sa girls. Tahimik, disimulado, patingin tingin lang. Hahaha!


“I watched him kung paano siya sa trabaho. Despite him being a big star, isa lang ang kasama niya sa shoot.

“Nasa mess hall lang, nakikipagkwentuhan kahit kanino. Parating maaga sa set, never kami pinaghintay. Walang arte, walang yabang. And most importantly, he knows how to take care of us. Grabe siya magalaga.

“I’m blessed na si Tito Vic ang nakasama ko mula bata pa lang. I will always look up to him as one of my mentors, and I will always love and respect him like a father.

“I love you, Tito Vic. Thank you for saying yes to celebrating my 35th year with me on Becoming Ice,” ang kabuuan ng message ni Ice kay Bossing.

Ito naman ang pa-tribute ng premyadong singer-songwriter para kay Regine.

“I grew up listening to Ate Reg’s music. Sino ba namang hindi, di ba? Pinipilit kong abutin yung mga high notes niya nung bata ako. Kaso, wala talaga eh.

“Kaya kapag lasing ako at may lakas ng loob, sa bidyoke ko talaga kinakanta yung mga songs niya. Doon ko lang nailalabas ang inner Regine ko pero never kong kinanta during a gig, kasi baka batuhin ako ng mga tao dahil pipiyok ako to the max.

“I’ve always looked up to her coz she’s the kind of artist who really brings out the best sa mga kasama niya. Whether on stage or backstage, hindi niya ipaparamdam sa iyo na siya si Regine.

“Itataas ka pa niya at papalakasin ang loob mi. Pero pramis, pag siya talaga kasama ko mag perform, grabe ako mag aral ng kanta. Haha!

“Kaya when she easily said yes to joining me on stage for #BecomingIce, na windang ako ng bongga. And yes, maglalakas loob akong kantahin ang mga kanta niya so please, be kind to me guys.

“Ate Reg, you’ve remained to be an inspiration not just to me but to countless artists. Hindi lang dahil sa talento mo pero dahil sa kung sino ka bilang tao. Thank you for saying yes to me,” lahad pa ni Ice.

Mapapanood na ang “#BecomingIce” sa Theatre at Solaire, sa Oct. 15, 8 p.m., Saturday. Tickets available at Ticketworld, 8891-9999 and premier.ticketworld.com.ph.
https://bandera.inquirer.net/311181/ice-seguerra-35-years-na-sa-showbiz-singer-at-artista-na-direktor-pa-this-work-is-my-life

https://bandera.inquirer.net/324023/ice-seguerra-umaming-tsine-check-pa-rin-ang-mga-ex-dyowa-ok-lang-kaya-kay-liza-dino

https://bandera.inquirer.net/286174/tom-gumawa-ng-tula-para-sa-35th-b-day-ni-carla-naghiwalay-muna-bago-ikasal
https://bandera.inquirer.net/324524/ice-seguerra-hinding-hindi-malilimutan-nang-biglang-malaos-plano-nang-mag-quit-sa-showbiz-tutugtog-na-lang-ako-sa-barko

Read more...