BAD trip na bad trip ang Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana sa umiinit na issue tungkol “horse fighting”.
Bilang isang animal welfare advocate, hindi natutuwa ang aktres sa ginagawa ng ilang grupo sa mga mga alaga nilang kabayo, lalo na ang pustahan sa nagbubugbugang hayop.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Carla ang mga litrato na kuha sa isang horse fighting match na unang ipinost sa Animal Kingdom Foundation IG account.
Ang inilagay na caption ng ex-wife ni Tom Rodriguez, “I, Carla Abellana, stand behind Animal Kingdom Foundation’s fight against horse fighting and ALL forms of animal fighting.”
Ipinagdiinan ng Kapuso star na ang anumang uri ng “animal fighting is cruel and disgusting.”
“I’ve been desperate to speak against horse fighting (and since been actively campaigning against ALL other types of animal fighting) since I found out years ago that it sadly exists in our very own country,” pahayag pa niya.
Hindi raw magets ni Carla ang sinasabing “tradisyon” sa pag-aaway at pagpapatayan ng dalawang hayop. Para sa kanya, isa lamang itong uri ng sugal.
“Why make animals fight against each other, suffer tremendously, and likely die in the process, just so you can excuse it under the guise of ‘tradition’ or ‘entertainment’? Or so you can gamble your money away?” aniya pa.
Ang IG post na ito ng aktres ay bilang pakikiisa na rin sa paggunita sa World Animal Day (October 4) kasabay ng pagsasagawa ng three-day horse fighting activity sa Glan, Sarangani Province.
“An injured farm animal is of no use to your livelihood so why do you risk the lives and health of these expensive and precious animals?
“There is nothing spiritual, religious, or cultural in pitting two massive animals to fight it out for human enjoyment.
“There is no pride here, simply an outright violation of a national law- RA 8485, as amended by 10631,” ang nakasaad sa ni-repost niyang announcement
Marami naman ang kumampi kay Carla at nanawagan din na itigil na ang horse fighting gamit ang hashtag #NoToAnimalCruelty. Pinasalamatan din nila ang aktres dahil patuloy nitong pakikipaglaban para sa kanyang adbokasiya.
https://bandera.inquirer.net/304380/maxene-tinawag-na-one-of-the-best-trips-of-my-life-ang-pagrampa-sa-baguio-nilabanan-ang-takot
https://bandera.inquirer.net/319827/jona-choosy-pagdating-sa-lalaki-hindi-ako-nagmamadaling-magka-lovelife-pero-sana-mahilig-din-siya-sa-mga-hayop
https://bandera.inquirer.net/283921/yassi-nag-birthday-kasama-ang-mga-asot-pusa-my-heart-is-so-so-full
https://bandera.inquirer.net/289900/lgbtq-members-na-bad-trip-nang-makitang-magkasama-sina-pacquiao-at-bb-sa-us