Darna nakipag-bonding sa mga jeepney driver; Jane de Leon sumabak sa pagiging kundoktor

Darna nakipag-bonding sa mga jeepney driver; Jane de Leon sumabak sa pagiging kundoktor

Jane de Leon (Photo from JRB Creative Productions)

NAGING kundoktor sa isang pampasaherong jeepney na bumibiyahe sa Makati City ang Kapamilya actress na si Jane de Leon.

Game na game na nakipag-bonding at nakipagchikahan ang dalaga sa mga jeepney drivers at sa kanilang mga pasahero sa isang lugar sa Guadalupe, Makati City kahapon, October 4.

Ito ang unang bahagi ng #DarnaAll tour ng ABS-CBN at JRB Creative Production bilang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta at tumututok gabi-gabi sa “Mars Ravelo’s Darna”.

Nakasama ni Jane sa #DarnaAll tour ang iba pang cast ng serye kabilang na sina Mac Manicad at LA Santos sa pakikipagkuwentuhan sa mga jeepney drivers.


Sa nakita naming mga litrato na naka-post sa social media accounts ng JRB Creative Production, talagang game na game na nakipagbandingan sina Jane sa mga tagaroon.

Mukhang nag-enjoy din si Jane sa pagsabak niya bilang kundoktor ng mga driver doon. Pinagbigyan din ni Darna ang mga fans na gustong magpa-selfie sa kanya

“Abangan ang susunod na paglipad ni #Darna sa inyong lugar!” ang teaser ng ABS-CBN patungkol sa susunod na paglipad ng  #DarnaAll.

Napapanood ang “Darna” sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC, sa direksyon nina Chito Roño, Avel Sunpongco at Benedict Mique.

Kasama pa rin sa serye sina Joshua Garcia, Janella Salvador, Zaijian Jaranilla, Paolo Gumabao, Rio Locsin at marami pang iba.

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Jane nakaranas ding mag-ulam ng asin, toyo’t mantika at ‘ligaw na manok’: Natulog din kami ni Mama sa gilid-gilid ng MRT

Dingdong naranasang maging jeepney driver, reaksyon ng netizen: Hindi ako sasakay sa kanya, nakakainsulto, eh!

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Read more...