#BatangHenyo: Anak nina Korina at Mar na si Pepe kabisado na ang ‘7 continents of the world’

#BatangHenyo: Anak nina Korina at Mar na si Pepe kabisado na ang '7 continents of the world'

Korina Sanchez, Pepe at Pilar Roxas

PROUD na proud nanay ang veteran broadcast journalist at news anchor na si Korina Sanchez sa kanyang anak na si Pepe dahil sa bagong achievement nito.

Knows n’yo ba na sa edad ng anak nina Korina at Mar Roxas na 3, kering-keri na niyang isa-isahin ang seven continents of the world?

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Korina ang isang video kung saan maririnig nga si Pepe na binabanggit ang mga kontinente sa buong mundo.

Kuha ang nasabing video sa loob ng sasakyan at in fairness, pakanta pang ini-recite ni Pepe ang mga nasabing kontinente.

“I know the seven continents, I know the seven continents, I know the seven continents of the world. Asia, Africa, South and North America, Australia, Antarctica, Europe,” ang sabi ni Pepe.


Siyempre, na-impress nang bonggang-bongga si Korina sa kanyang anak at nang makita ni Pepe kung gaano ka-proud ang kanyang mommy sa ipinamalas niyang galing inulit pa niya ang kanta.

“What a happy surprise for #ProudMama from little Pepe. Kung ako nga di ko memorize ang continents. Listen to him go! Happy Sunday Pipol,” ang caption ni Korina sa kanyang IG post.

Nauna rito, naaliw at natuwa rin ang mga netizens sa ipinost na video ni Korina sa IG kung saan nagpakitang-gilas din sa pagme-memorize ang kambal niyang anak na sina Pepe at Pilar habang papunta sila sa school.

Feeling ng mga social media followers ni Korina ay gifted ang kambal dahil sa mura nilang edad ay ang gagaling na nilang mag- memorize.

Taong 2019 nang i-welcome nina Korina at Mar sina Pepe at Pilar na produkto ng gestational surrogacy na isinagawa sa Amerika.

Noong February, 2022 ipinagdiwang ng kambal ang kanilang third birthday with a superhero-themed party.
https://bandera.inquirer.net/307982/anak-nina-korina-at-mar-naaksidente-sa-swimming-pool-mukhang-knockout-sa-kalaban-eh

https://bandera.inquirer.net/305582/piolo-keribels-lang-maging-papa-p-ng-bayan-parang-awkward-pero-kesa-tawagin-kang-tito-ok-na
https://bandera.inquirer.net/306741/pepe-herrera-may-inamin-tungkol-kay-piolo-tulad-ni-papa-p-mahilig-din-ako-sa-halaman-at-sa-hayop

Read more...