Dennis hands-on dad pa rin kahit busy na sa trabaho: Sobrang saya, feeling ko lalo akong nakumpleto

Dennis hands-on dad pa rin kahit busy na sa trabaho: Sobrang saya, feeling ko lalo akong nakumpleto

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Baby Dylan

KAHIT balik-showbiz na ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, sinisiguro pa rin niya ang pagiging hands-on tatay sa anak nila ni Jennylyn Mercado.

Talagang naglalaan ng oras at panahon ang award-winning actor para maalagaan si Baby Dylan pati na rin ang kanyang pinakamamahal na misis.

In fairness, napakarami raw realizations ni Dennis mula nang siya’y maging ama at tuluy-tuloy pa rin daw siyang natututo habang inaalagaan si Baby Dylan dahil first time nga niyang maging hands-on dad.

“Umuuwi ako ng madaling araw, diretso ako noon mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan na ba palitan ng diaper (si Baby Dylan),” pahayag ni Dennis sa panayam ng “24 Oras.”

Aniya pa, “Actually ngayon lang ako natuto (magpalit ng diaper) dahil dati naman hindi ko ‘yan na-experience.”

Sa isa pang hiwalay namang panayam sa aktor, nabanggit nito na bawat araw ay kakaibang experience ang nararanasan niya at grabe pa rin ang kaligayahang nararamdaman niya sa tuwing nakaka-bonding ang anak.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto. Ngayon, na-experience ko ’yung mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko,” pahayag ni Dennis.

Pero aminado ang aktor na challenging din talaga ang pagiging magulang, “Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yung time management mo bilang artista at tatay sa bahay.

“Once na makuha mo na ’yung time management mo nang maayos madali ka nang makakapag-adjust,” dagdag ng mister ni Jennylyn.

Sa isa niyang Instagram post todo ang pasalamat at papuri niya sa kanyang butihing asawa, “Gusto ko lang sabihin na napakasuwerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.

“Deserving ka talaga na magkaroon ng isa pang napakagandang anak na kamukha mo.


“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa’yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo. Kaya nirerespeto, pinapahalagahan, at mahal na mahal kita,” lahad pa ni Dennis.

Ipinanganak ni Jen ang panganay nila ni Dennis noong April 25.

Samantala, ngayong gabi na, October 3, mapapanood sa GMA Telebabad ang historical portal fantasy series na pagbibidahan ni Dennis, ang “Maria Clara at Ibarra”.

Gaganap dito si Dennis bilang si Crisostomo Ibarra, ang isa sa mga bidang tauhan sa nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere”. Makakasama niya rito sina Julie Anne San Jose at Barbie Forteza.

Paglalarawan ni Dennis sa bago niyang role, “Hindi siya basta-basta. Kailangan mo siya talagang aralin. Hindi ka puwedeng basta mag-adlib na lang ng mga gusto mong sabihin doon sa character. Kailangan talaga nakasukat lagi ‘yung mga gagawin mo at sasabihin.”

https://bandera.inquirer.net/316470/jennylyn-mercado-dennis-trillo-ipinasilip-na-sa-publiko-ang-mukha-ni-baby-dylan

https://bandera.inquirer.net/316470/jennylyn-mercado-dennis-trillo-ipinasilip-na-sa-publiko-ang-mukha-ni-baby-dylan

https://bandera.inquirer.net/284309/promise-ni-dennis-kay-jennylyn-sa-lupa-sa-ilalim-ng-dagat-kahit-saan-pa-man-hindi-kita-pababayaan
https://bandera.inquirer.net/300286/jennylyn-iniwan-agad-ni-dennis-1-araw-pagkatapos-magpakasal-siyempre-nakakalungkot

Read more...