HOROSCOPE September 30, 2013 | Bandera

HOROSCOPE September 30, 2013

Madam Sophia - September 30, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang magtuloy-tuloy ang pagdating ng marami pang suwerte,   ‘wag hayaan pangibabawaan ka ng katigasan ng ulo. Sundin kung ano ang tama, sa ganyang paraan lalo kang yayaman at liligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.      
Aries – (Marso 21-April 19)—    ‘Wag masyadong maging mahilig sa pagkain, upang sumeksi kang muli. Mentras sexy ka at mahaba ang buhok, maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, mag-exercise upang hind imaging chubby at ng hindi ka iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Maroon at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —   Sa pinansiyal wag magtiwala kung kanikanino, suwerte ka sa mga nilalang na isinilang sa petsang 7, 16, 25, 6, 15, at 24. Sa pag-ibig, kusa kang maa-attract sa mga may zodiac sign na Virgo, Capricorn at Scorpio. Ang mga petsa sa itaas ang siya ring mapalad mong numero. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Yellow at gold ang bueans.
Gemini – (May 21-June 21)—    Kailangang gamitin ang talino! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang pairalin, gumamit  ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   ‘Wag tularan ang pagong, sa tubig bihirang lumusong. Mas madadagdagan ang oportyunidad ng pagkakakitaan kung makikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig sa isang political gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ipayapa ang isipan. Nasa mabuting kalagayan ang mga mahal sa buhay. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan at pinagkakakitaan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Panindiga ang sinabi nuong nagdaang mga araw! Lagi mong tuparin ang ipinangako sa minamahal.  Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng isipan upang wag masira ang transaksyon.  Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.”  Yellow at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Kung mapapanatili mo ang iyong kagandahan, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo araw-araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Lalong mag-aapoy ang dati ng maiinit na relasyon. Mapalad ang 6, 12, 28, 31, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Vasudeva-Om.” Orange at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag babagal-bagal. Subukan mong makipagkarerahan ng makita mo ang kaibahan mo sa ibang tao. Competition ang dapat upang umunlad at magtagumpay. Sa pag-ibig patuloy mong ipaglaban ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Blue at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa ibang bansa, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tiisin munang malayo sa kasuyo, kailangan mong gawin iyan para sa inyong kinabukasan. Mapalad ang 4, 15,  25, 34, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pranave-Beeja-Om.” Beige at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig panahon na upang lumigaya ka! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad bumili ng bagong cell phone o kaya’y ipad.  Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Susubukin ka ng kapalaran, sa sandaling napagtiisan mo ang lahat ng hirap, sa pag-ibig may ligaya pang naghihintay, habang sa pinansyal, tuloy-tuloy ka ng yayaman. Ang mahalaga sa ngayon kahit ano ang mangyari, wag kang susuko. Mapalad ang 4, 8, 25, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— ‘Wag sugud nang sugod!  May manghihikayat na naman sayo para magnegosyo, mag-ingat, may babala na ma-racket ka na naman. Sa pag-ibig hinay-hinay lang sa pagmamahal, may babala na muli kang lumuha. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending