NAGBIGAY ng update ang aktres at future mommy na si Jessy Mendiola tungkol sa kanyang health condition at ng kalagayan ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ito’y matapos nga niyang ibalita sa publiko na nagpositibo siya sa COVID-19 last week dahilan para sumailalim siya sa isolation at maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang bahay.
Sa bagong YouTube vlog ni Jessy, nagbahagi siya ng ilang detalye sa kanyang sitwasyon matapos tamaan ng COVID-19 pati na rin ng kalagayan ng panganay nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut.
Ayon kay Jessy, maayos na ang kalagayan niya ngayon at ng kanyang ipinagbubuntis at sa kabila nga ng paniniyak ng mga doktor, nagdesisyon pa rin siya na magpa-ultrasound para matiyak na walang problema sa magiging baby nila ni Luis.
“Peanut is okay. Peanut is normal, even after my COVID infection. We’re just really grateful kasi si Peanut, strong si Peanut. Normal ang growth niya, normal ang weight niya,” paniniyak ng aktres.
In fairness, talagang sinamahan siya ni Luis sa pagpapa-check-up sa doktor at kitang-kita sa reaksyon ng TV host-actor ang kaligayahan nang malamang super healthy naman ang sanggol sa tummy ni Jessy.
Sabi ni Jessy nang makita ang resulta ng ultrasound at ang image ni Baby Peanut, “Parang nakuha niya yung lips mo, love.”
Hirit naman ni Luis, “Okay na. Kahit sa ’yo na lang.”
Samantala, nabanggit din ni Jessy na pinaplano nila ni Luis na lumipat sa bagong bahay kung saan mas safe at secured ang kapaligiran para na rin sa kaligtasan ni Baby Peanut.
“Lilipat kami sa bahay na mas safe para sa magiging baby namin. Hindi siya magiging high ceiling, tapos yung stairs niya safer hindi spiral staircase,” aniya.
Tatlong buwan na lang at manganganak na si Jessy at talaga namang super excited na sila ni Luis na maging hands-on parents. Pati nga ang mga magulang nila ay looking forward na ring maging lolo at lola.
Sa nauna nilang vlog, inamin nina Luis at Jessy na matagal-tagal na rin silang nagta-try na magka-baby at medyo feeling pressured na rin sila hinggil dito.
“Pero dumating din kami sa point na hindi na rin kami masyadong pressured. Kumbaga, nag-usap kami na ‘Let’s have fun na lang, let’s enjoy. And antayin natin kung kailan ibibigay sa atin,’” sey ni Jessy.
https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya
https://bandera.inquirer.net/322443/jessy-mendiola-luis-manzano-magkaka-baby-girl-na
https://bandera.inquirer.net/324032/vilma-may-bonggang-regalo-agad-para-sa-apo-pinayuhan-sina-luis-at-jessy-may-times-na-mag-aaway-kayo-sa-totoo-lang-pero
https://bandera.inquirer.net/300697/neri-sa-bagong-baby-girl-grabe-ang-pagiging-tsismosa-ng-ibang-tao-nagawan-agad-ng-kwento