Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

Judy Ann Santos at Rico Yan

SA lahat ng nagtatanong kung naging boyfriend nga ba ni Judy Ann Santos ang yumaong aktor na si Rico Yan, may diretsahang sagot diyan ang Soap Opera Queen.

Kasabay ng paglulunsad ng digitally restored and remastered version ng nga blockbuster movies ni Juday, ang mga rebelasyon ng Kapamilya actress tungkol sa tambalan nila noon ni Rico.

Bilang bahagi ng Sagip Pelikula program ng ABS-CBN Film Restoration, pwede nang panoorin nang paulit-ulit sa KTX.ph ang mga pelikula ni Judy Ann kabilang na ang “Mara Clara The Movie”, “Paano Ang Puso Ko,” “Bakit Di Totohanin,” “Isusumbong Kita Sa Tatay Ko”, at ang “Kay Tagal Kitang Hinintay.”

Nakachikahan ni ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak sa  “Spotlight” sa isang online interview ang award-winning actress kung saan naikuwento nga niya yung panahong sunud-sunod ang proyekto nila ni Rico.


“Si Rico kasi, parang siyang si Ryan (Agoncillo, asawa niya) na akala ng mga tao sobrang hirap makausap kasi Inglisero,” bungad ni Judy Ann sa spotlight interview.

“Medyo sosyal, commercial model so magkaibang-magkaiba na naman even before I met Ryan. But, napakabargas na tao ni Rico Yan and napakatotoo rin niya,” chika ni Juday.

Sey pa ng actress-TV host, napakadaling makagaanan ng loob ang yumaong aktor, “Kaya siguro nag-click rin kami because, he has his way of making you feel comfortable.

“Saka kung bastusan ang usapan, bastos pa siya sa salitang bastos in a way that is not offensive and napaka-genuine kasi niya na tao and dahil nga napakatalino and napaka-vocal niya sa puso ng maraming bagay, he was one of few people na whenever I had a breakdown, very few ‘yung taong mangangamusta sa akin.”

Dagdag ng misis ni Ryan, totoong naging super close sila ni Rico, “Even if yung dumating na yung point na I was paired na with Piolo (Pascual), and he was paired na with Claudine (Barretto) and they had the relationship already, he would still try to come up with a conversation, ‘kumusta ka na and ganyan,’ kumbaga hindi naman masyadong nawala ‘yung communication namin.”

At tungkol naman sa naging tunay na relasyon nila noon ng aktor, “The spark with Rico and I was very genuine in a way na whenever we get interviewed at tinatanong na are you together, we would always say ‘no’, kasi hindi naman talaga and hindi naman talaga umabot na naging kami.”

“Kasi we both know and pareho naming tine-treasure ang friendship naming dalawa we could always say na we’re more than friends but we’re not lovers.

“Parang meron lang kami parang respect and point of view sa friendship namin na nandito na lang tayo. ‘Wag na natin laliman pa kasi baka masira,” sey pa ng aktres at TV host.

Sumakabilang-buhay si Rico Yan noong 2002 sa edad na 27.

https://bandera.inquirer.net/318104/judy-ann-santos-tigil-muna-sa-pagba-vlog-dahil-sa-pagtaas-ng-bilihin-ayokong-hindi-maka-relate-yung-viewershttps://bandera.inquirer.net/316478/juday-sa-pagiging-host-ng-magandang-buhay-nakakaloka-kinakabahan-ako-ano-ba-yan

Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

Claudine naiyak sa paggunita ng death anniversary ni Rico Yan; personal na inimbita ng ina ng yumaong aktor

Read more...