Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

Korina Sanchez, Heart Evangelista at Chiz Escudero

NAHINGAN ng reaksyon ang premyadong broadcaster na si Korina Sanchez tungkol sa umano’y paghihiwalay nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Sa naganap na presscon ng NET25 para sa mga umeereng programa nito ngayon, kabilang na ang show niyang “Korina Interviews”, natanong nga ang batikang news anchor kung balak ba niyang interbyuhin ang mag-asawa para magkaalaman na.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-asawang Heart at Chiz hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pahayag ni Korina, “Alam mo, ako ang pinakahindi pakialamerang babae sa mundo yata.

“As I’ve told you, I’m not really in the game of competing for who’s the most controversial. I tried to be very respectful of people’s circumstances.

“Of course, I want to interview them. Possible rin naman na ma-interview ko si Heart na hindi namin pag-uusapan yun kung ayaw niyang pag-usapan.

“I’m really more into…really, totoo ito, ha, sa ngayon I want positivity, kasi kung tapos na, tapos na. Move forward na tayo. Kung masakit, huwag nating pag-usapan.

“Hindi natin kailangang dugtungan iyan para tayo ay bumenta o panoorin. Kasi papanoorin ka pa rin naman ng tao, e.

“Kung ano ang nalalaman nila na sirkumstansiya mo, at kung anuman ang gusto mong pag-usapan, papanoorin ka pa rin naman kahit di na natin kalkalin ang di na natin dapat pakialaman,” dire-diretsong sagot ni Korina.


Dugtong pa ng misis ni Mar Roxas, “But yes, I really hope that everything is okay with them as a couple, or with them as individuals. Wala akong alam by the way. Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila.

“I think in their own time, when they are ready, I’m also ready if they want me as a mouthpiece. So, possible if they want to stay private, we have to respect that,” sey pa niya.

“Napakarami nang bagay na malungkot sa mundo, ayoko nang dumagdag du’n. Gusto ko masaya, parang ipagpapalala ka lalo, ano?” dagdag ni Korina.

Samantala, natanong din si Korina tungkol sa teaser ng kanyang programa sa NET25 kung saan nagkomento siya na si Sen. Loren dapat ang nag-number one sa senatorial race noong May, 2022 elections.

May mga nagkomento kasi na baka raw okrayin siya ng mga supporters ni Robin Padilla na siyang nanguna sa mga nanalong senador.

Esplika ng TV host, “Let’s put that in context. Actually, when I saw the trailer, I told my staff… ewan ko, hindi siguro nila napalitan.

“Heto, para malinaw ito ha, wala sa konteksto yun. Ang sabi ko kay Loren, at mapapanood niyo ito sa actual interview, ang sabi ko, ‘Kung hindi tumakbo si Robin, baka dapat ikaw ang naging number 1. Pero dahil tumakbo si Robin, naging number 2 ka. Ano ang masasabi mo sa mga artista na tumatakbo?’

“Yun ang konteksto nu’n. Hindi ko minamaliit si Robin. Kaibigan ko iyan. Alam na alam ni Robin iyan. In fact, iniimbitahan ko pa nga si Robin na isa sa mai-interview natin sa Korina Interviews,” paglilinaw pa ni Korina.
https://bandera.inquirer.net/286508/iniiwasan-ko-na-yung-nega-wala-akong-opinyon-sa-politika-wala-akong-winawakwak

https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off

https://bandera.inquirer.net/288662/korina-kinakarir-ang-pagpapabata-para-abutan-pa-ang-debut-nina-pepe-at-pilar
https://bandera.inquirer.net/285921/karen-kay-korina-kailanman-hindi-po-kami-nagpantay

Read more...